Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Yanigin ng mga protestang bayan ang hari ng korapsyon at terorismo
Niyuyugyog ng krisis ang naghaharing rehimeng Duterte. Bunga ito ng pag-alingasaw ng nakasusulasok na korapsyon ni Duterte sa pagsamantala sa pandemya para magbulsa ng bilyun-bilyong pisong pondo ng gubyerno. Nabuyangyang ito habang bumabayo ang malawakang disempleyo, pagsirit ng presyo, mababang sahod at pagwasak sa kabuhayan na nilumpo ng walang katapusang mga lockdown. Rumaragasa pa rin […]
Buksan na ang mga paaralan sa harapang pagkatuto
Sinalubong ng sabay-sabay na protesta ng mga magulang, guro at estudyante sa ilang paaralan ang pagbubukas ng klase noong Setyembre 13. Bitbit ang panawagang #LigtasNaBalikEskwela, kinundena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang “manhid” na si Rodrigo Duterte sa kanyang pag-abandona sa sektor ng edukasyon sa gitna ng pandemyang Covid-19. Nagmartsa ang mga myembro ng […]
VIDEO | Editoryal: Yanigin ng mga protestang bayan ang hari ng korapsyon at terorismo
AUDIO | Editoryal: Yanigin ng mga protestang bayan ang hari ng korapsyon at terorismo
Detatsment, pinaputukan ng BHB-Negros
Pinaputukan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) ang detatsment ng CAFGU Active Auxillary (CAA) sa Barangay Guba, Vallehermoso, Negros Oriental noong Setyembre 8. Isang sundalo ng 62nd IB ang napatay. Ayon sa mga residente, pinipilit sila ng mga sundalo na “sumuko” at magpalista bilang mga CAFGU. Isang backhoe ang pinaralisa ng BHB-South […]