Detatsment, pinaputukan ng BHB-Negros

,

Pinaputukan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) ang detatsment ng CAFGU Active Auxillary (CAA) sa Barangay Guba, Vallehermoso, Negros Oriental noong Setyembre 8. Isang sundalo ng 62nd IB ang napatay. Ayon sa mga residente, pinipilit sila ng mga sundalo na “sumuko” at magpalista bilang mga CAFGU.

Isang backhoe ang pinaralisa ng BHB-South Central Negros sa Sityo Bulod, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong Setyembre 11. Pagmamay-ari ang backhoe ng mapanirang kumpanya na ESJ and Sons Construction Co. Ayon sa BHB, ang proyekto ay magbibigay-daan sa mga kumpanyang mina na sisira sa 1,100 ektaryang lupa ng mga katutubong Itoman-Maghat-Bukidnon.

Detatsment, pinaputukan ng BHB-Negros