Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
VIDEO | Ang Bayan Headlines
Konsultant sa usapang pangkapayapaan, palayain!
Ipinanawagan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Partido Komunista ng Pilipinas ang kagyat na pagpapalaya kay Loida Magpatoc, konsultant sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gubyerno ng Pilipinas. Ligtas dapat siya sa pag-aresto at panggigipit sa ilalim ng Joint Agreement on Safety ang Immunity Guarantees. Dapat kagyat na ibasura […]
Imbestigasyon ng ICC, tuloy na
Tuluy na tuloy na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte. Isinapubliko ang desisyon ng mga huwes ng korte noong Setyembre 15. Saklaw ng imbestigasyon ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang ni Duterte mula 2011 hanggang 2019. Ayon sa pahayag ng mga huwes ng ICC, hindi nila […]
Mga Protesta
Reklamasyon sa Cebu, tinutulan. Nagpiket ang mga manggagawa ng piyer sa Consolacion, Cebu upang tutulan ang planong reklamasyon sa Barangay Tayud, Consolacion para itayo ang proyektong Seafront City na sasaklaw ng 234.8 ektarya. Isasara ng proyektong ekoturismo ang mahigit limang baradero at wawasak sa kabuhayan ng 200 mangingisda. Ayon sa Barangay Tayud Fisherfolk Organization, marami […]
Hindi mapatatawad na mga krimen ng diktadurang Marcos
Never again to martial law! Ito ang nagkakaisang sigaw ng mamamayan sa harap ng pambabaluktot sa kasaysayan ng pamilya ng dating diktador na si Ferdinand Marcos at pagsisikap nitong makabalik sa Malacañang. Katuwang ng pamilyang Marcos ang kasing-kinamumuhiang pamilyang Duterte sa walang kahihiyang pangungunyapit sa poder. Lalong nagiging matunog ang sigaw na ito habang papalapit […]