Pahayag

2 katutubong Mangyan dinukot at 2 pang hinaras sa nagpapatuloy na karahasan ng AFP sa Mindoro

Dalawang katutubong Mangyan ang dinukot at dalawa pa ang inimbestigahan, hinaras at binantaan sa Mindoro habang naglulunsad ng operasyong militar ang 76th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hunyo 21 – 28 sa mga sityo at barangay na nasa pagitan ng mga bayan ng Bongabong at Mansalay, Oriental Mindoro at San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Jaime “Ka Diego” Padilla, tagapagsalita ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog (MGC – NPA ST), “Mariing kinukundina ng MGC ang paulit-ulit at patuloy na paglabag ng AFP sa karapatang tao ng mamamayan sa Mindoro, lalo sa hanay ng mga katutubong Mangyan.”

Pagdidiin Ka Diego, hindi makatarungan at makatwiran ang ginagawa ng mga mersenaryong AFP sa mga katutubong Mangyan sa kanilang imbeng pakana na pahinain ang patuloy na lumalakas na rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro.Iniulat na nawawala sina Tifon Piniw at ang pamangkin niyang 10 taong gulang noong Hunyo 24 matapos nilang mamili sa tyanggian (palengkehan) sa Sityo Darayao, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Huling namataan ang dalawa bandang alas – 7 ng umaga pauwi Sityo Buswak, Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at hindi na sila nakita pa mula noon. Habang naglalakad pauwi ang mga residente 11:45 ng tanghali, napansin nilang maraming mga bakas ng bota, sapatos at kombat sa daan papuntang tyanggian. Nasundan nila ang bakas at humantong sila sa isang gulod na may mga militar na nagpapahinga sa tabing-daan at naka-bota, sapatos at kombat. Makalipas ang ilang araw, Hunyo 27, nakita ng mga residente ng So. Buswak ang mga militar na may kasamang sibilyan na kahawig ni Tifon, subalit hindi na nila makumpirma dahil hindi pinalalapit sa mga sibilyan. Kinabukasan naman, Hunyo 28, nasalubong ng ilang residente ng Sityo Sangay, Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro (sityo sa pagitan ng Buswak at Darayao) ang mga militar at napansing may kasunod itong bata na may pasan na malaking kahoy.

Samantala, iligal na inimbestigahan, hinaras at binantaan ng mga sundalo sina Ongbak Ihem at Butsoy Puypoy ng Sityo Buswak noong Hunyo 27. Pinasok ng mga nag-ooperasyong militar ang sityo Buswak ng alas-4 ng umaga at unang pinuntahan ang bahay ni Ongbak. Pinadapa nila si Onbak, tinutukat ng kutsilyo at pilit na pinaaamin sa isang residenteng pinaghihinalaang kasapi ng NPA. Hindi pa nasapatan, dinala ulit si Ongbak sa tapat ng basketball court, pinadapa ulit at patuloy na inimbestigahan. Sapilitan din nilang kinuha kay Ongbak ang mga pangalan ng kasapi ng kanilang kooperatiba at kinukwestiyon ang pagkakatayo nito. Habang iniinteroga si Ongbak, pinuntahan naman ng iba pang sundalo ang bahay nina Butsoy Fuyfoy at pinadapa siya. Pilit sinisira ng mga militar ang bahay ni Butsoy sa pag-aakalang may tao sa loob ngunit nang mapagtantong walang tao, tinigilan na nila ito.

Ani Ka Diego, “Ang ginawang karahasang miitar ng 76th IBPA a mga katutubo at mamamayan ng Mindoro ay pagpapakita ng kanilang kawalang pagrespeto at tahasang paglabag sa karapatang-tao.
Dagdag ni Ka Diego, “Lalong pinapakita ng rehimeng US-Duterte at AFP-PNP na hindi sila seryoso sa usapang pangkapayapaan at sinsero sa pagtugon sa stand down o anumang goodwill na iniaalok ng NDFP lalo matapos ang command conference ng AFP-PNP kung saan hangal na nangangarap itong kalahatiin o paliitin ang pwersa ng NPA sa loob ng 3 buwan.

Samantala, nananawagan ang MGC – NPA ST sa mamamayan ng Timog Katagalugan na tapatan ng militansya at maigting na paglaban ang patuloy na pandarahas at lumalalang paglabag sa karapatang-tao ng AFP-PNP at mga paramilitar sa panahon ng kailang patuloy at umiigting na mga operasyong militar at pulis sa kanilang lugar.

“Kailangang patuloy na ipagtanggol ng mamamayan ang kanilang karapatan laban sa mga berdugong sundalo at sa terorismong inihahasik ng rehimeng US-Duterte sa rehiyon at sa buong bansa,” pagdidiin ni Ka Diego.
Pagtatapos ni Ka Diego, sa inaasal ng rehimeng US-Duterte higit na kailangan ang ibayong pagkakaisa ng iba’t ibang uri at sektor ng lipunang pilipino upang igiit ang ubos-kayang pagpapatalsik at pagpapabagsak sa tiraniko, berdugo at pasistang reaksyunaryong estado ng mga burgesya-kumprdor, despotikong malalaking panginoong maylupa at bulok na pulitikong kinakatawan ni Duterte at amo nitong impeyalistang US.”###

2 katutubong Mangyan dinukot at 2 pang hinaras sa nagpapatuloy na karahasan ng AFP sa Mindoro