Alay sa Masbatenyo ang hakbang pamamarusa ng NPA-Masbate sa kriminal na 2nd IBPA-Alpha Coy sa bayan ng Placer
Isang hakbang tungong hustisya para sa mga biktima ng abusong militar sa Masbate ang matagumpay na operasyong haras na ilinunsad ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate laban sa tropa ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Puro, bayan ng Placer nito lamang ika-26 ng Agosto, 11:00 ng gabi.
Pinaulanan ng bala at pinasabugan ng command-detonated explosive (CDX) ng isang tim ng NPA-Masbate ang isang yunit ng Alpha Company ng naturang batalyon na nakabase sa isang compound sa naturang baryo. Kasalukuyang kinukumpirma ng JRC-NPA Masbate ang bilang ng mga kaswalti sa panig ng militar. Ligtas na nakamaniobra ang Hukbo at walang natamong kaswalti sa kanilang hanay.
Sang-ayon sa internasyunal na makataong batas, pangunahing tiniyak ng NPA-Masbate ang kapakanan ng mga sibilyan sa naturang aksyon.
Nagagalak ang mga Masbatenyo sa panimulang parusang ipinataw ng NPA-Masbate sa kriminal na Alpha Company ng 2nd IBPA na nakabase sa Barangay Estampar, bayan ng Cataingan. Patung-patong ang krimen ng naturang yunit ng militar sa mga Masbatenyo, laluna sa mga mamamayan ng Cataingan, Placer, Esperanza at Pio V. Corpus. Kabilang rito ang mga sumusunod:
1. Pagpatay sa magkapatid na kabataang sina Ronel at Robert Monsanto noong Hulyo 8 sa Barangay Aguho, bayan ng Esperanza;
2. Pagpatay sa mag-asawang Jover at Aimee Villegas sa Barangay Nainday, bayan ng Placer noong Setyembre 21, 2023;
3. Pagpaslang sa senior citizen na si Genito Pautan noong Abril 11, 2024 sa So. Tadloy, Barangay Luna, bayan ng Placer;
4. Pagkamatay sa takot ng 80-anyos na babae na si Amparo Maglasang Juanillo dulot ng walang habas na pagpapaputok ng militar sa Barangay Liong, bayan ng Cataingan;
5. Pananakot at paggambala sa mga magsasaka ng Hacienda Mortuegue-Larrazabal;
6. Tangkang masaker sa mga magsasakang sina Julie Rabadon, Jovie Rabadon at Amy Olivar sa So. Milagro, Barangay Guindawhan, bayan ng Pio V. Corpus;
7. Walang pakundangang mga indiscriminate firing at palabas na engkwentro na nagdudulot ng takot sa mga komunidad;
Tumatayo rin silang private army at bantay sa malalawak na lupaing inagaw ni Gov. Kho sa naturang mga bayan.
Matagumpay na nailunsad ng NPA-Masbate ang naturang operasyong pambubulabog dahil sa suporta ng masang Masbatenyo. Patunay ito na kailanma’y hindi makapapayag ang mga Masbatenyo na mawala ang NPA sa kanilang buhay.
Kaugnay nito, iniaalay ng JRC-NPA Masbate ang matagumpay na aksyong gerilya para sa mga Masbatenyong biktima ng abusong militar at kanilang hangarin para sa hustisya. Armadong pakikibaka kasabay ng pagkakaisa ng mamamayan ang sagot sa terorismo ng estado.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang naturang aksyong gerilya na inilunsad ng NPA-Masbate upang mapagtibay ng mga Masbatenyo ang kanilang pagkakaisa at determinasyon upang harapin at labanan ang nagpapatuloy na paghaharing militar sa prubinsya.
Tiyak pang maglulunsad ang JRC-NPA Masbate ng mga taktikal na opensiba upang bigwasan at parusahan ang teroristang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen sa mamamayang Masbatenyo.
Dahil sa kahihiyan, walang pakundangang nagpaputok ng baril ang mga militar sa naturang baryo. Kasalukuyan ding ipinapataw ng militar ang news blackout at blokeyo sa Barangay Puro upang pagtakpan ang kanilang kaswalti.
Pinapaalalahanan din ng NPA Masbate ang mga militar at pulis na maawa sa kanilang mga sarili at tumiwalag na sa kanilang kinapapaloobang institusyon. Hindi kaya ng mga ordinaryong sundalong ito na maging pambala sa hibang na ilusyong durugin ang NPA. Hindi sila handang mamatay para sa sweldong maaaring kitain sa marangal at sibilyang pamamaraan.
Hindi matatalo ng mga mamamatay-tao at bayarang AFP-PNP-CAFGU ang makatarungan, suportado at pinakamamahal ng masa na Bagong Hukbong.Bayan. Ito ang dapat tandaan ng mga ordinaryong sundalo at pulis sa susunod na mapilitan silang sumama sa mga operasyong militar.