Ambus sa Dimasalang panimulang tugon sa tumitinding karahasan at paglabag sa karapatang tao sa probinsya sa loob ng 100 araw ni Marcos Jr.

Binabati ng JRC-BHB Masbate ang matagumpay na ambus na ilinunsad ng isang tim ng BHB laban kay Rene Capellan, isang Cafgu nitong alas 7 ng umaga, Oktubre 7, 2022 sa hangganan ng Brgy. Mambog at Buenaflor, Dimasalang, Masbate. Agad na napaslang si Capellan habang sugatan naman ang kasama nitong Cagu na siyang nagmamaneho sa sinakyan nilang motorsiklo. Galing sila sa kanilang 15 araw ng duty sa datatsment ng Charlie Coy na 2nd IBPA at Cafgu sa Brgy. Miabas, Palanas nang tambangan ng mga pulang mandirigma.

Ang naturang ambus ay ikaapat sa mga ilinunsad na aksyong gerilya ng JRC-BHB Masbate mula nang maupo si Marcos Jr sa Malakanyang. Bahagi ito ng pagtugon ng BHB Masbate sa tumitinding pandarahas at paglabag sa karapatang tao sa loob lamang ng 100 araw ng rehimeng Marcos,Jr. Kabilang dito ang mas agresibong pangangamkam ng lupa para sa mga proyektong neoliberal tulad ng pagrarantso, ekoturismo, pagtatayo ng bagong paliparaan at ekspansyon ng mapanirang kumpanyang mina sa probinsya. Tatlong sibilyan na rin ang naitalang biktima ng pampulitikang pamamaslang, kabilang ang isang magsasaka na pinag-iinteresan ni Gov. Antonio T. Kho na rantso sa Pecson sa mga barangay . Mistulang umiiral ang martial law sa paghahari-harian ng mga militar at tahasang paglapastangan sa sibilyang otoridad ng mga local government units. Marami na rin ang biktima ng tuloy-tuloy na kampanya ng militar na pangwawasak sa kabuhayan.

Taliwas sa ipinapalabas ng militar na isang upisyal ng barangay ang naambus. Si Capellan ay isang Cafgu na masugid na tagapagpatupad ng kontra- insurhensiya at teroristang kampanya ng AFP, PNP at Cafgu sa mga sibilyan sa ilalim ng Charlie Coy ng 2nd IBPA sa pamumuno ni Sgt. Alvarez . Aktibo si Capellan sa kampanya ng ChaRLIE Coy, 2nd IBPA sa pananakot sa mga sibilyan sa mga bayan ng Palanas, Cawayan at Dimasalang. Maging ang mga Sr. Citizen ay hindi nakaligtas sa sapilitang pagpaparekluta sa Cafgu sa bawat barangay sa mga naturang bayan. Kabilang rin siya sa pwersahang pagpapalog-book sa mga residente, lalu yaong mga sapilitag pinasurender at maging mga estudyante. Sangkot din si Capellan sa pagsasamantala sa kababaihan laluna sa Brgy. Miabas.

Tulad ng kanilang nakagawian, tumungo ang militar sa pambabaluktot, fake news at desperasyon para pagtakpan ang kanilang panibagong kabiguan. Liban sa pagpapalabas na upisyal umano ng barangay si Capellan, dinampot din ng mga Cafgu at militar ang mga residente sa Brgy. Buenaflor na sina Allan Dayday, Rostum Monares at Tinoy Orsaiz.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate na asahan ang nag uulol na reaskyon ng kaaway sa panibago nilang pagkabigo. Ang paghahanda at paglantad sa reaksyon ng kaaway ay bahagi ng ambag sa pagpapanagot sa mga krimen ng militar at pulis sa mga komunidad.

Ang mga ilinulunsad na taktikal na opensiba ng JRC-BHB Masbate ay patunay na hindi titigil ang mga soldados sa pobre na ipagtanggol ang masa laban sa karahasang militar at panagutin ang PNP, AFP at Cafgu sa mga krimen nito laban sa mamamayang Masbatenyo. Higit sa lahat, nakahanda itong patuloy na labanan ang tumitinding pasismo at terorismo ng estado sa isla ng Masbate sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr.#####

Ambus sa Dimasalang panimulang tugon sa tumitinding karahasan at paglabag sa karapatang tao sa probinsya sa loob ng 100 araw ni Marcos Jr.