Ambus sa Placer dagdag lakas ng masa upang labanan ang paghaharing militar sa Masbate

Sa pamamagitan ng kanilang BHB muling nakapagtala ng tagumpay ang mamamayang Masbatenyo sa pakikibaka laban sa nagpapatuloy na atakeng militar sa prubunsiya. Isang matagumpay na ambus ang ilinunsad ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate laban sa mga tropa ng Cafgu sa Brgy. Manlot-od bayan ng Placer nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2022. Dalawang maiikling armas (cal. 45at kg 9), ilang mga magasin, ilampung mga bala at iba pang kagamitan ang nasamsam ng yunit ng JRC-BHB Masbate mula sa dalawang Cafgu na napatay sa nasabing pananambang. Ligtas namang nakaatras ang mga pulang hukbong nagsagawa ng ambus.

Ang naturang ambus ay dagdag sa higit dalawampung aksyong gerilya na ilinunsad ng JRC-BHB Masbate ngayong taong 2022. Aabot na sa halos platun ang bilang ng mga kaswalti sa hanay ng AFP,PNP at Cafgu sa mga nailunsad na pamamarusa, demolisyon, isnayp, haras at ambus ng BHB Masbate. Bahagi ito ng kampanya ng rebolusyonaryong kilusan laban sa patuloy na pagahaharing militar sa prubinsya.

Layunin ng mga taktikal na opensibang ilinulunsad ng pulang hukbo ang unti-unting pagpapahina at pagbigo sa opensibang militar ng kaaway gayundin ang pagpapatibay sa determinasyon ng masa na kumilos at magkaisa laban sa armadong pang-aapi ng estado.

Labis anng kagalakan ng mamamayang Masbatenyo laluna ang bayan ng Placer sa matagumpay na ambus ng BHB. Kasalukuyang hinahagupit muli ng okupasyong militar sa ilalim ng Retooled Community Support Program(RCSP) ang naturang bayan kung saan kasangkapan ang mga Cafgu sa pananakot terorismo at pagsira sa kabuahayn ng masa.

Samantala, nadagdagan na naman ang pangangatog sa tuhod ng kaaway sa prubinsya. Marami sa mga militar, laluna ang mga bagong rekrut ang nagsisisi na mag army. Hindi na rin bago sa BHB ang makasagap ng mga ulat hinggil sa mga militar at pulis na ayaw nang lumabas sa kanilang kampo sa takot na ma-isnayp o matambangan ng BHB. Walang ibang pakinabang ang mga proyektong kalsada ng NTF-ELCACV kundi dagdag na ambus site ng BHB. Tiyak ding marami na ang tututol sa kampanaya ng AFP at PNP na pwersahang pagsapi ng taumbaryo sa Cafgu lalupa’t napatunayang ginagamit lamang ang mga pobreng paramilitary bilang pananggalang ng mga duwag na upisyal ng militar at pulis.

Makahulugan para sa masang Masbatenyo ang pagpupursige ng BHB Masbate na isulong ang armadong pakikibaka at sila’y ipagtanggol sa harap ng matinding opensibang militar sa ilalim ng rehimeng Marcos,Jr. Maraming masa ang unti-unting napangibabawan ang takot at nakapanumbalik sa masigla at walang-alinlangang pagsuporta sa kanilang tunay na hukbo. Marami ang nag-aabang sa mga susunod pang mga taktikal na opensibang ilulunsad ng BHB. Higit sa lahat, marami sa mamamayang Masbatenyo ang lalong namumulat sa kawastuhan at pangangailangan ng armadong paglabang bilang pinakamalakas na sandata upang tapatan ang armadong terorismo ng estado.#####

Ambus sa Placer dagdag lakas ng masa upang labanan ang paghaharing militar sa Masbate