Pahayag

Emmanuel Erejer, sibilyan at 'di kasapi ng NPA

KINUKUNDENA namin ang walang rendang pagpapaputok ng mga elemento ng 31st IBPA nang makasagupa sila ng isang yunit ng NPA nitong Setyembre 6 sa Sitio Badyang, Brgy. Sagrada, Bulan, Sorsogon na nagresulta sa pagkakasugat sa mga sibilyang sina Emmanuel Anit Erejer, 30 anyos; Isoy Cardo, 8; Jelen Garapisa, 7; at Ideng Francisco, 20.

Pinalalabas pa ngayon ng 31st IB na si Erejer, na nagpapagamot ngayon sa ospital, ay isang wanted na mataas na opisyal ng BHB. Lumang pakana na ng mga opisyal ng reaksyunaryong militar ang ganito–para makuha ang reward sa paghuli o pagpatay sa mga lider ng rebolusyonaryong kilusan o makakuha ng promotion.

Isa na namang sibilyan ang nalalagay sa alanganin dahil sa kasinungalingan ng militar. Marapat lamang itong kundenahin ng lahat ng may malasakit sa karapatang-tao.

Emmanuel Erejer, sibilyan at 'di kasapi ng NPA