Kinukundena namin ang panghaharas at kawalan ng respeto ng AFP sa pamilya ng namartir na kasama na si Ka Patrick. Kaninang ala-una ng umaga, sinugod ng 10 elemento ng MICO at 31st IBPA ang burol ni Baltazar “Ka Patrick” Hapa sa punenarya sa sentro ng Gubat, sa pamumuno ni Jordan Enconado, ahente ng 96th MICO. […]
Pinakamatikas na Pulang saludo ang iniaaalay ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya kay Baltazar “Ka Patrick” Hapa, huwarang anak ng Sorsogon at magiting na Pulang kumander at mandirigma. Nabuwal si Ka Patrick sa gitna ng pakikipaglaban sa mga pasistang tropa ng 31st IB noong Enero 14 sa Barangay Togawe, […]
Isang nagtraydor sa masa at nagpakakasangkapan sa pasistang militar ang inabutan ng mga partisano ng NPA ngayong araw sa Barangay Manapao bayan ng Gubat. Naisagawa ng mga partisano ang parusang kamatayan laban kay Romel Hapa alyas Ian kaninang alas-12 ng madaling araw. Si Hapa ay nahatulan ng Pamprubinsyang Hukumang Bayan sa kasong pagsalong ng dalawang […]
Malugod na sinusuportahan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Sorsogon ang pinirmahang Oslo Joint Statement na nagsasaad ng hangarin na muling isagawa ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines. Ang pirmahan ng dalawang panig na naganap sa Oslo, Norway nitong Nobyembre […]
Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang ekstrahudisyal na pamamaslang kay Arnel Halum kahapon, Nobyembre 5, sa pagitan ng alas 12 hanggang ala-1 ng hapon, sa Sitio Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual, Casiguran at naging myembro ng NPA noong 2007-2009. […]
Napatay si Rey Esposado alyas Rigor sa operasyong partisano na isinagawa ng NPA ngayong araw, Oktubre 14, 3:30 ng hapon, sa sabungan ng Barangay Ginlajon, Sorsogon City. Pagpapatupad ito ng parusang kamatayan na inihatol sa kanya ng Probinsyal na Hukumang Bayan sa kasong pagtataksil sa rebolusyon. Si Esposado ay kabilang sa grupo ng mga gerilyang […]
Noong Agosto 4, alas 10:00 ng gabi pinaulanan ng bala ng dalawang elemento ng 31st IBPA ang bahay ni ABC President at Punong Barangay na si Erwin Vista ng Alin, Donsol, Sorsogon. Nangyari ito ilang araw matapos iparating ni kapitan sa CO ng 31st IBPA na nakabase sa Pangpang, Donsol ang tungkol sa pagkakalat ng […]
Download the video here. Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon at ng buong rebolusyonaryong kilusan kay Fernado “Ka Karen” Dialogo na pinaslang ng mga armadong ahente ng AFP noong Hulyo 15, 2023 sa Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon sa edad na 47. Nagmula si Kasamang Karen sa pamilya ng maralitang magsasaka sa […]
Pinagtatawanan ngayon sa bayan ng Bulan, laluna sa Barangay Calpi, ang post ng 22nd IBPA sa kanilang Facebook page na umano’y matagumpay nilang pakikisagupa sa mga mandirigma ng NPA noong Hulyo 6 at Hulyo 10. Anang 22nd IBPA sa Facebook account nito, nagresponde ang mga sundalo sa ulat ukol sa presensya ng NPA sa Sityo […]
Isang napakalaking kasinungalingan ang ipinangangalandakan ng Gubat Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj. Baltazar L Valenzuela sa midya na si Marlon Macabuhay o kilala bilang Ka Gary noong nasa loob pa siya ng rebolusyonaryong kilusan ay “naaresto” nila noong Mayo 6 nitong taon. Nais muling linawin ng Celso Minguez Command- BHB Sorsogon ang sumusunod: […]