Ka Joma, Tanglaw ng Maralitang Pilipino Tungo sa Rebolusyonaryong Tagumpay
Nagluluksa ang maralita at sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng dakilang guro at rebolusyonaryo na si Jose Maria Sison. Gayunpaman, mananatiling buhay ang mga aral nito sa bawat mamamayang naghahangad ng lipunang tunay na malaya sa kahirapan at pagsasamantala.
Lubos ang pagdakila ng maralitang Pilipino kay “Ka Joma”, at sa mga aral nito, dahil ito lamang ang natatanging kumikilala sa makasaysayang ambag ng anakpawis sa pagtatagumpay ng rebolusyong Pilipino laban sa imperyalismo, pyudalismo at brukrata kapitalismo; paglansag sa mala-kolonyal at malapyudal na pagsasamantala; at ang paglalatag ng pundasyon para sa sosyalistang konstruksyon sa Pilipinas.
Ang mga turo ni “Ka Joma” ay nagliliwanag na tanglaw ng masang inaapi na humahawi sa dilim ng pasismong estado. Gaya ng mga dakilang gurong proletaryado na sina Marx, Engels, Lenin, Stalin, at Mao, ang mga aral ni “Ka Joma” ang nagpamulat sa maralitang magsasaka, manggagawa at iba pang inaapi sa lipunan, na ang kahirapan ay hindi isang kapalaran kundi dulot ng tunggalian ng uri. Sa pamamagitan ng pagsusuri ni “Ka Joma” sa lipunan at rebolusyong Pilipino, hindi mangangarap nang gising ang mga maralitang Pilipino na bubuti ang kalagayan nito hangga’t naghahari ang mga panginoong maylupa at malaking burgesya kumprador, bagkus, syentipikong nailinaw ang pangangailangan ng rebolusyonaryong dahas para makaahon ito sa kumunoy ng pagkabusabos. Panghuli, sa pamamagitan ni “Ka Joma” nailatag ang wastong rebolusyonaryong linya at muling naitatag ang natatanging partido ng uring anakpawis—ang Partido Komunista ng Pilipinas noong 1968; at sinundan ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan noong 1969, at Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas noong 1973.
Para sa KASAMA-Metro Manila, higit pa sa sapat ang mga pamana nitong kaisipan at aral upang lahatang panig na isulong ang rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay. Malaking espasyo man ang maiiwan ng isang Jose Maria Sison sa rebolusyong Pilipino at sa pandaigdigang proletaryong rebolusyon, laksa-laksang rebolusyonaryo ng bagong henerasyon naman ang pupuno dito.
Bilang pagpaparangal kay “Ka Joma”, pag-iibayuhin pa ng KASAMA ang pag-oorganisa sa hanay ng maralitang lungsod upang signipikanteng makapag-ambag sa armadong pakikibaka, pagsusulong rebolusyong agraryo at pagtatayo ng organo ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan—hanggang sa pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan at sa susunod na yugto—ang Sosyalitang Rebolusyon. Nabubuwang ang kaaway kung inaakala nilang hihinto ang rebolusyon sa pagpapanaw ni “Ka Joma”. Ang pagluluksa ay ibaling natin tungo sa rebolusyonaryong sigasig.
Maralita at mamamayang sawa na sa bulok na sistema, tumungo sa kanayunan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!