Statement

Makibaka-Albay: Saludo sa NDFP!

Pulang Pagbati ang ipinaaabot ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan – Albay (Makibaka – Albay) sa ika-48 na anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Saludo kami sa inyong walang kapagurang paglilingkod sa malawak na mamamayan ng sambayanang Pilipino.

Kami sa hanay ng kababaihan ay patuloy na maglalaan ng aming panahon para sa pangkalahatang kagalingan ng aming hanay at iba pang sektor ng ating lipunan. Dumadanas man kami ng matinding pagdurusa sa kamay ni Duterte, hindi nito mapaparam ang aming dedikasyon na pagsilbihan ang mga Albayano.

Binabalikat namin ngayon ang ipinasang responsibilidad ng gubyernong Duterte sa ‘online class’. Kayod-kalabaw naming itinatawid ang aming pang-araw-araw na batayang pangangailangan. Mulat kami sa mabilis na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Pero hindi kami laging mananahimik. Karapatan naming isigaw ang aming hinaing para sa aming karapatan sa buhay at kabuhayan.

Patuloy kaming magkakaisa sa gitna ng panunupil ng rehimeng US-Duterte.
Nananawagan ang Makibaka – Albay sa mamamayang Albayano, nasa ating pagkilos ang pagkakamit ng buhay na matiwasay at mapayapang pamumuhay, WALA sa kamay ng gubyerno ng rehimeng US-Duterte.

Kita an paglaom kan namamanwaan!
Mabuhay ang ika-48 na anibersaryo ng NDFP!

Makibaka-Albay: Saludo sa NDFP!