Matinding Operasyong Militar sa Kanayunan ng Central Negros Nagpeperwisyo sa Mamamayan

Ang artikulong ito ay may salin sa Pilipino

Mahigit tatlong buwan (mula Hulyo hanggang Oktubre 7, 2022) na nagpeperwisyo sa mamamayan ng Central Negros ang matinding mga operasyong batalyon ng kontra-mamamayan at mga berdugong tropa ng 62nd IBPA sa ilalim ng 303rd IBdePA sa pamumuno ni B. Gen. Inocencio Pasaporte at Maj. Gen. Benedict Arevalo ng 3IDPA kasama ang ilang yunit ng PNP katulad ng SAF at 7th RMFBn. Malimit na mahigit 200-300 pasistang tropa ang minomobilisa ng 303rd IBde at 3ID. Halos 44 baryo mula sa pitong bayan ng Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, La Castellana sa Negros Occidental, at Vallehermoso, La Libertad, Jimalalud at dalawang syudad ng Guihulngan at Canlaon sa Negros Oriental. Nakaranas ang mamamayan ng malawakang paglabag sa karapatang-tao at panggigipit sa kanilang demokrasya at pambansang kalayaan.

Pagterorisa, pananakot, panloloko at paglalansi ang malimit na ginagawa ng nasabing mga tropang militar laban sa mamamayan. Pinipigilan nila ang pagpunta sa sakahan at iba pang gawain ng mamamayan para lamang mapakain at mabuhay ang kanilang pamilya. Inaakyat ang kanilang mga bahay sa disoras ng gabi habang mahimbing silang natutulog. Walang permiso mula sa kanila na kinukunan ng litrato ang mga indibidwal o bahay na pinagdududahan ng militar na mga suporter ng CPP-NPA. Tinataniman ng armas, mga subersibong dokumento at sinasampahan ng gawa-gawang kasong kriminal. Nagtatagal ang militar sa kanilang mga bahay, naglalasing at nagsusugal tulad ng pagtari at baraha. Dinidisturbo ang kanilang pamamahinga dahil sa mga sigawan at videoke. Halos bawat araw ay ipinapatawag at pinagbabantaan sila ng militar na mga suporter ng NPA. Sinisiraan at ninanakawan ng militar ang kanilang mga pananim, pera at mga personal nilang pag-aari.

Mulat na paglabag sa kasunduan sa CARHRIHL ang pamamalagi ng militar sa mga paaralan na nag-iistorbo sa mga guro at mga kabataang-estudyante sa kabila ng pagpuprotesta ng mga guro, estudyante at mga magulang. Nagpuprotesta din ang mga taong-simbahan at iba pang mga sektor sa pamamalagi ng militar sa mga simbahan, barangay hall at iba pang pampublikong mga lugar.

Mariing kinukundena ng Leonardo Panaligan Command-New People’s Army-Central Negros Front (LPC-NPA) ang pasistang AFP at PNP partikular ang 62nd IBPA, PNP-SAF at 7th RMFBn sa malawakang pamamaslang at iba pang porma ng paglabag sa karapatang-tao. Tulad sa walang awang pagpatay sa limang inosenteng sibilyan na sina Pompeo Landisa, Greg Cantela at pagmasaker sa pamilyang Jacolbe kung saan napatay sina Cristina Jacolbe, isang daycare worker, at Everly Kee Jacolbe, 16-taong gulang na babae at estudyanteng anak ni Cristina, at si Rodan Montero, lahat mga residente ng Barangay Trinidad, Guihulngan City. Ninakaw din ang ari-arian ng pamilyang Jacolbe kabilang ang mahigit P40,000 personal na pera ng nasabing pamilya.

Dagdag dito ang tangkang pagpatay-pagrapido kay Boyet Cezar, Marjun Mahinay ng Barangay Trinidad, Guihulngan. Pagrapido kina Onil at Jerecel Gonzaga ng Barangay Maniak, Guihulngan at iligal na pag-aresto, pagtanim ng armas at pagsampa ng gawa-gawang kaso kina Macario Fat Sr, Ronald Baydal ng Barangay Trinidad, Guihulngan at Ramonito Mahinay ng Barangay Tabon, Vallehermoso, Negros Oriental. Nagsagawa din ang mga pasistang tropa ng “illegal search” sa mga bahay ng pamilyang Gelacio sa Sityo Bayabasan, Barangay Montilla, Moises Padilla; mga pamilyang Ababa, Recisio, Pasibog ng Barangay Bucalan, Canlaon City at pamilyang Nelles ng Barangay Trinidad, Guihulngan.

Ang pambubugbog kay alyas Solon at Jim Paul Perolino, parehong mga magsasaka ng Sityo Cabulay, Barangay Budlasan ng syudad ng Canlaon, Negros Oriental. Pagsira at pagnanakaw ng tanim na mais ng pamilyang Tiin ng Sityo Binil-iwan, Barangay Calupaan noong Setyembre 24, 2022. Direktang ginawa ito ng mga 22 tropa ng 62nd IBPA. Kasabay din nito ang pagpairal ng 62nd IBPA ng curfew, pagpalipad ng mga drone, pag-iiskandalo, pagsisigaw at paglalasing sa gabi, pananakot at pagbahay-bahay sa disoras ng gabi sa kanayunan ng Central Negros.

Lubusang kinukundena din ng LPC-NPA ang mga kasapi ng 62nd IBPA at PNP Vallehermoso sa pwersahang pagpatawag sa mamamayan ng Sityo Bay-ang, Barangay Tabon, Vallehermoso, Negros Oriental noong Setyembre 27, 2022. Nilansi nila ang mamamayan na may ibibigay umanong mga ayuda, pero bago pa man ang lahat ng dumalo ay pinalagda, pinapasumpa at pinapasunog ng bandera ng CPP-NPA. Itinuring ng militar ang naturang mamamayan bilang mga “NPA surrrenderees”.

Sa kabilang banda, lubos din ang pagbati ng LPC-NPA sa lahat na mga kadre, magiting na mga Pulang kumander at hukbong bayan sa patuloy na pagsusulong ng armadong pakikibaka sa pamamagitan ng mahigpit na pag-uugnay at paglilingkod sa masa. Nagpapakita ng tapang sa pagdepensa sa buhay at kabuhayan ng mamamayan sa saklaw ng larangang gerilya. Naglulunsad ng integradong gawain (pagbubuo ng baseng masa, rebolusyong agraryo at pagsusulong ng armadong pakikibaka).

Matagumpay na nakapaglunsad ng apat na serye ng taktikal na opensiba (2-operasyong isnayping, 1-harasment at 1-partisan/punitive operation) sa pagbigay hustisya sa mga biktima ng berdugong militar. Sa aktwal na pagsisiyasat sa lugar, lima (5) ang napatay (3-AFP, 1-PNP at 1-CAFGU) at tatlo (3) ang sugatan sa 62nd IB, PNP (1-PNP at 2-AFP) kabilang na ang pagparusa-patay kay CAFGU Joselito Raboy ng Barangay Montilla Patrol Base. Matagumpay din na naisagawa ang pagkonsolida pulitiko-militar sa mga yunit ng New People’s Army laban sa pang-aatake ng pasistang AFP at PNP sa masa at Pulang hukbo.

Habang lihim sa mata ng kaaway ang NPA ay nakagawa ng mga libreng serbisyong sosyal sa mamamayan. Malapit 1,500 ang naabot sa edukasyong masa at gawaing propaganda para pataasin ang kamulatang pampulitika ng masa at hukbo, malapit din sa 1,000 ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal, matagumpay na aksyong masa kaugnay sa pagpataas ng presyo ng produkto ng masang magsasaka at pagpataas at pagpabilis ng produksyon sa pamamagitan ng simpleng kooperasyon na grupong pagtutulungan.

Ipagpatuloy ang mahigpit na pagkakaisa! Maging matapang at lumaban kontra sa pasismo ng rehimeng US-Marcos Jr!

Buwagin ang NTF-Elcac at biguin ang pang-aatake ng berdugong AFP at PNP!

Sumapi sa New People’s Army at pataasin ang digmang bayan sa mas mataas na yugto!

Matinding Operasyong Militar sa kanayunan ng Central Negros Perwisyo sa Mamamayan!

Matinding Operasyong Militar sa Kanayunan ng Central Negros Nagpeperwisyo sa Mamamayan