Mga kamay ni Marcos, binahiran ng dugo ng mga Tumandok

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nababahiran ngayon ang mga kamay ni Marcos ng dugo ng mga martir ng mamamayang Tumandok ng Panay, nang pinasinayaan niya noong Martes ang Jalaur River Multi-Purpose Project Stage II, na pwersahan at brutal na umagaw ng kanilang lupaing ninuno.

Noong Disyembre 30, 2020, minasaker ng mga pwersang pulis ang siyam na minoryang Tumandok na aktibong lumaban sa pagtatayo ng megadam, sa pagtatanggol nila ng kanilang mga komunidad at mamamayan. Labimpitong iba pa ang arbitraryong inaresto at ikinulong. Sa pagbubukas ng Jalaur dam, ipinakita ni Marcos ang lubos na paghamak sa kanilang alaala, at labis na pagwawalambahala sa mga kapakanan ng mga komunidad at mamamayan ng Tumandok.

Pananagutin ng mamamayang Tumandok at sambayanang Pilipino si Marcos sa lahat ng kamatayan at pagkawasak na idudulot ng Jalaur megadam project sa masang magsasaka at minoryang mamamayan.

Mga kamay ni Marcos, binahiran ng dugo ng mga Tumandok