Pinekeng labanan, overkill! Teroristang aksyon ng AFP Sa Gitnang luzon, panunumbalik ng Batas Militar!

DOWNLOAD Mariing kinokondena ng NPA-Kanlurang Gitnang Luzon, ang walang habas na pambobomba, pagpapakawala ng raket at istraping sa kabukiran, burol at gilid ng bahayan sa Sityo Marikit, Barangay Abuyo, Alfonso Castañeda, madaling araw ng June 20, bandang alas 12: 30 hanggang 1:45 ng umaga. Umabot nang mahigit isang oras na nagpaikot-ikot ang 2 attack helicopter sa Sityo Marikit at karatig baryo nito, kasabay ng walang pakundangang paglalaglag ng bomba at pag iistraping. Malalakas na pagsabog ng bomba at machine gun mula sa attack helicopter ang gumulantang at gumising sa mamamayan ng Alfonso Castañeda. Di bababa sa 8 bomba ang pinakawalan, at di mabilang na walang pakundangang pagpapaputok ng machine gun mula sa attack helicopter ang iniulat ng mga masa.

Nagmistulang firing range ang Sityo Marikit sa dami ng pinakawalang bomba at putok ng machine gun. Nagmistulang firing range na katulad ng sa Fort Magsaysay at Sta. Juliana sa Tarlac, sa dami ng ihinulog na bomba at walang patid na pagpapaputok ng machine gun. Tila intensity 7 na lindol ang yumanig sa lakas ng mga pagsabog ang naramdaman ng mamamayan ng Alfonso Castañeda lalo na sa Sityo Marikit at karatig na mga barangay nito. Mainam pa ang firing range, may malinaw na inaasintang target, di gaya ng ginawa sa Sityo Marikit. Walang kalaban, walang naganap na labanan, sa halip naglubid ng istorya na diumano ay may labanan at trenserado ang kalaban kaya naubligang mambomba. Ito ay sa kabila ng nakabalatay ang bahayan at komunidad ng masa kung saan nagpaulan ng bala ng bomba at machine gun. Hindi ito katanggap-tanggap at hindi makatwiran. Walang pagsasa-alang-alang sa buhay at kabuhayan ng mamamayan ang ginawa ng AFP. Peke na ngang labanan, over kill pa.

Sa ulat ng mga kasama sa Silangang Gitnang Luzon, walang naganap na laban sa pagitan ng NPA at AFP noong madaling araw ng June 20. Mariing pinasusubalian ng NPA ang pahayag ng 84th IB na may naganap na labanan, ito ay pawang kasinungalingan. Ang ganitong aksyon ay isang malinaw na teroristang aksyon at asal ng AFP. Sa katunayan, ayon sa mamamayan ng Alfonso Castañeda, tanging ang mga pagsabog at putok ng machine gun na nagmula sa mga attack helicopter ang narinig at nakita nila. Ayon pa sa kanilang pahayag; nagmistulang “Marawi ” ang Sityo Marikit. Akala nila sila ay mapupulbos kagaya ng Marawi sa dami ng bomba at lakas ng mga pagsabog. Nanggagalaiti sa galit ang mamamayan sa AFP sa ganitong aksyon lalo pa’t wala namang naganap na labanan. Target ng ganitong aksyon at asal ng AFP na sindakin, takutin at patahimikin ang masa. Walang pagsasa-alang-alang sa kapakanan ng mamamayan, lalo na sa mga bata, matatanda at maysakit. Maliban sa mga pinsala na dulot ng bomba at bala, mas matimbang at mas mabigat ang pinsala na dulot ng trauma sa isip ng mamamayan.

Mariing pinasusubalian ng NPA-Kanluran GL ang pahayag ng 84th IB sa gawa-gawang labanan, na ang nakalaban nila diumano ay ang yunit ng NPA Tarlac-Zambales. Ang NPA-Kanluran Gitnang luzon ay masayang kapiling ng masa habang kalahok sa pagpapaunlad ng produksyon at kabuhayan ng masa, naglulunsad ng serbisyong medikal, literasiya at numerasiya at katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Zambales Mountain Range. Ang ganitong kasinungalingan ng AFP, ay reaksyon at tugon nito sa pagpupursige at pagpupunyagi ng NPA-Kanluran GL na iabante ang kanyang mga tungkulin sa mamamayan. Sa katunayan, nasaklaw at naabot ng NPA-Kanluran GL ang kalaparan at kakapalan ng masa sa probinsya ng Tarlac, Zambales at Western Pangasinan, taliwas sa pahayag ng AFP na wala ng suporta ang masa sa NPA. Sa nakalipas na ilang taon, binigo at pinawalang bisa ng NPA-Kanluran GL at ng mamamayan ng Zambales Mountain Range ang tuloy tuloy na malalaki at mga naka-focus na operasyong militar. Bigo ang mga ito at patuloy na bibiguin ng NPA, dahil malalim na nakaugat ito sa masa, minamahal at kinakalinga. Sa katunayan, nakakadaup ng NPA ang mga masa sa baryo na may mga kampo ng kaaway sa Kanluran Gitnang Luzon. Ang pambobomba at pag iistraping ng AFP, ay mga gawi at asal ng terorista, katulad ng ginawang pekeng labanan sa Mangatarem noong 2020, kung saan binomba ang mga kaingin ng masa, pambobomba sa San Marcelino noong 2019 malapit sa komunidad ng Ayta sa Sityo Lumibao, pambobomba sa Bazal sa Maria Aurora at istraping sa Salay, Dipaculao noong Mayo 2024.

Nananawagan ang NPA-Kanluran Gitnang Luzon sa lahat ng mamamayan, sa mga nakikiisa para sa pagkakaroon ng kapayaan, na maglunsad ng masusing imbestigasyon sa naganap na teroristang aksyon ng AFP sa walang habas at walang pakundangang pambobomba at istraping sa Sityo Marikit, Barangay Abuyo, Afonso Castañeda. Sama samang kumilos para sa paglulunsad ng masusing imbestigasyon at papanagutin ang AFP sa pangunguna ng 7th ID, 703rd Brigade at ng 84th IB. Ang ganitong aksyon ay naglalagay sa panganib sa buhay at kabuhayan ng mamamayan. Kondenahin ang ganitong terororistang aksyon.

Malinaw na malinaw kung sino ang tunay na terorista.

Sama-samang kumilos at manawagan na itigil ang ganitong aksyon at itigil ang de facto martial law sa buong Gitnang Luzon. Kondenahin ang ganitong asal at gawi ng kasundaluhan ng 7th ID. Huwag gawing firing range at target range ng pambobomba at istraping ang mga pamayanan! Itigil ang mga gawa-gawang labanan at paghahasik ng takot sa mamamayan!

Muli, mariing kinokondena ng NPA-Kanluran GL ang walang habas na pambobomba at istraping sa Alfonso Castañeda noong June 20 ng ala una ng madaling araw. Kasinungalingan ng AFP ang gawa gawang labanan.

Mamamayan, kumilos at magka-isa, papanagutin ang AFP. Suportahan ang NPA. Sumapi sa tunay na lingkod ng masa, sumapi sa NPA.

Pinekeng labanan, overkill! Teroristang aksyon ng AFP Sa Gitnang luzon, panunumbalik ng Batas Militar!