Tagapangulo ng Lupong Tagapamayapa sa Masbate, ikaapat na kaso ng EJK sa Masbate sa ilalim ni Marcos

Kinokondina ng JRC-BHB Masbate ang iligal na pagdetine ng 2nd IBPA Charlie Company sa pamumuno ni Lt. Balsomo sa kanilang kampo sa Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate kay Norvil Generoso Pepito, 39 anyos, may asawa, dalawang anak at residente ng Brgy. Mambog, Dimasalang, Masbate nitong ika 10 hanggang ika 12 ng Oktubre 2022. Matapos ang tatlong araw ng detensyon ay inabutan sa kampo ng militar si Pepito ng kanyang pamilya kasama ang kanilang Brgy. Kapitan na si Carlito Versero na naghihingalo at halos wala ng malay. Sinikap pa ng pamilya at kanilang Brgy. Kapitan na madala sa ospital ng prubinsya ang biktima subalit ideneklara itong dead on arrival ng doktor.

Upang pagtakpan ang kanilang krimen isang kasinungalingan ang ipinakalat ng militar na nagbigti si Pepito. Patunay rito ang bakas sa kanyang katawan ng matinding torture na dinanas ng biktima matapos ipa-eksamin sa doktor.

Si Norvil Pepito ay tagapangulo ng lupong tagapamayapas sa kanilang baryo. Sa kabiguan at desperasyon ng militar na mapanagot ang nag-ambus-pataysa kanilang tauhan noong Oktubre 7, alas 7 ng umagas sa boundery ng Brgy. Buenaflor at Mambog, Dimasalang, ibinintang kay Pepito ang nangyaring aksyong gerilya. Pinapunta ang biuktima sa kanilang kampo noong Oktubre 10, alas 8 ng umaga. Inihatid naman ito ng kanilang Brgy. Kapitan na si Carlito Versero. Agad na pinauwi ang kapitan sublalit hindi pinayagang makauwi si Pepito dahil kakausapin pa umano ito ng militar. Sa halip na pauwiin, ikinulong ito sa kanilang kampo sa loob ng tatlong araw. Sa kabila ng pagtanggi na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng kanilang tauhan ay isinailalim ang biktima sa matinding interogasyon at torture na ikinamatay nito.

Ang pagbibintang sa mga sibilyan ay nakagawian na ng militar at pulis sa prubinsya. Ginagawa nilang modus ang pwersahang pagpapamin sa mga ito upang pagtakpan ang kanilang kabiguan at palpak na kampanyang kontra insurhensiya sa Masbate.

Kabaha-bahala na sa loob pa lamang ng mahigit tatlong buwan ni Marcos Jr. sa malakanyang, ikaapat na si Pepito sa biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang sa prubinsya. Asahang titindi pa ang mga paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng bagong rehimen at sa nagpapatuloy na mala batas militar na kaayusan sa Masbate.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate mamamayang masbatenyo na maging mapagbantay sa modus ng AFP-PNP-CAFGU sa pagdamay mga sibilyan sa natatamo nilang kahihiyan, kabiguan at desperasyon. Aasahan rin ang mas laganap na paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng rehimeng Marcos,Jr. Tulad ng naranasan ng mamamayang masbatenyo sa panahon ng batas militar tiyak na ipatutupad ng anak ng diktador ang katulad na desperasyon.

Nananawagan din ang JRC-BHB Masbate sa mga sibilyang opisyal at lokal na pamahalaan na manindigan sa kanilang sibilyang otoridad sa harap ng lumalawak na kapangyarihan ng militar sa prubinsya. Gamitin nila ang kanilang otoridad upang suportahan ang hakbangin ng mga pamilya ng mga biktima na panagutin ang military tulad ng pagsampa ng kaso at itulak ang iba pang pamilya na gumawa ng mga kaparehong hakbangin. Dapat nilang pangunahan ang komunidad sa paglalantad sa mga abusing militar. Maging sila ay hindi na naniniwala sa mga pekeng balita at dis-impormasyon na ipinapalabas ng militar at pulis sa prubinsya.

Dapat ring buklurin ng mga mamamayang masbatenyo ang kanilang nagkakaisang lakas upang labanan ang tumitinding atakeng militar saprubinsya. Ilantad, labanan at panagutin ang AFP-PNP-CAFGU sa ginagawang ekstra-hudisyal na pamamaslang sa mga sibilyan sa ilalim ng ipinapatupad na mala batas militar sa Masbate.#####

Tagapangulo ng Lupong Tagapamayapa sa Masbate, ikaapat na kaso ng EJK sa Masbate sa ilalim ni Marcos