Tumaas nang hanggang 10% ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng delata, nudels, gatas at tinapay kumpara sa mga presyo ng mga ito noong Agosto 2022. Alinsunod ito sa suggested retail price bulletin o pabatid tungkol sa presyo na inilabas ng Department of Trade and Industry noong Pebrero 8. May mga aytem na tumaas […]
Nagprotesta ngayong araw sa harap ng upisina ng Department of Agriculture ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, kasama ang iba pang demokratikong organisasyon, para igiit ang kagyat na pagpapababa sa presyo ng pagkain, pagpapatigil sa patakaran ng importasyon, pagpapalakas sa lokal na produksyon at pagbuwag sa mga kartel. Nanawagan sila na ibasura ang mga neoliberal na […]
Nagtipun-tipon at nagprotesta ang mga maralita mula sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-San Roque sa gilid ng komunidad nila sa Quezon City noong Enero 13. Giit nila: Itigil ang taas-presyo! Sahod, itaas, presyo, ibaba! Ayon sa pambansang tanggapan ng Kadamay, tugon ang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at kumakalam na sikmura […]
Umabot sa ₱720 ang isang kilo ng sibuyas sa isang palengke sa Metro Manila noong nakaraang kapaskuhan. Sinimbolo nito ang abot-langit na pagtaas ng presyo ng pinakabatayang mga bilihin, at ang kainutilan ng estado na kontrolin ang pagsirit ng mga ito. Para sa buong Disyembre, tinataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sumirit sa tantos […]