Articles tagged with Kalatas Tomo 43 Bilang 8 Agosto 2023

Kalatas | August 2023
August 30, 2023

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Pambansang badyet 2024, para sa korapsyon at pasismo ng rehimeng US-Marcos-Duterte
August 30, 2023

Walang kaunlaran para sa mamamayang Pilipino sa ipinapanukalang pambansang badyet 2024 ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte. Taliwas sa ipinangangalandakan ng estadong “adyenda para sa kasaganaan” (agenda for prosperity), nakalaan ang pondo para sa kapritso, korapsyon at paghahasik ng karahasan ng naghaharing uri. Gustong iratsada ng rehimeng Marcos-Duterte ang pag-aapruba sa pambansang pondo sa Kongreso sukdulang bastusin […]

Epekto ng giriang US-China sa Asia Pacific
August 30, 2023 |

Karugtong ng tumitinding ribalan sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihang US at China ang umiinit na sitwasyong pulitiko-militar sa Asia Pacific, partikular sa palibot ng China at mga karatig-bansang Taiwan at Pilipinas. Umaagaw ng atensyon ang pagpapakitang-gilas ng mga sandatahang pwersa sa Asia Pacific sa sunud-sunod na mga ehersisyong militar, aktibidad sa karagatan at pagsubok […]

Edukasyong pang-kolehiyo, hindi prayoridad ng gubyerno
August 30, 2023 |

Matayog na pangarap para sa mayoryang mahihirap na Pilipino ang makapagtapos ng pag-aaral. Tinatanaw ng karamihan ang edukasyong tersyaryo bilang daan para makaahon sa kahirapan, subalit ang masaklap, kakaunti ang nakakapasok sa kolehiyo o unibersidad at nananatili itong prebilehiyo sa halip na maging batayang karapatang tinatamasa ng lahat ng kabataang Pilipino. Nasa 4.4 milyong kabataan […]

Tugon ni Patnubay de Guia: Paano ginagamit ng rehimeng US-Marcos II ang Department of Agriculture para lalong pahirapan ang bayan?
August 30, 2023 |

Sinusundan ni Marcos Jr. ang yapak ng diktador na ama sa pangangasiwa sa reaksyunaryong gubyerno. Pangita ito sa kung paano siya nagpipilit na hawakan ang Department of Agriculture (DA) kahit hayagang itinatatwa siya ng taumbayan laluna ng masang magsasaka. Hindi nga ba’t inasukalang balang pumatay at nameste sa sektor ng agrikultura at mga magsasaka ang […]

Laban ng mga magsasaka at maggagapak sa tubuhan, nagpapatuloy
August 30, 2023 |

Determinado ang mga Batangueñong magsasaka sa tubuhan at mga maggagapak sa paggigiit ng kanilang karapatan. Tuluy-tuloy ang kampanyang #30KAyudaKamtinNa para sa lahat ng apektado ng pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI). Sa kanilang pagpupunyagi, ipinamahagi ang ikalawang bugso ng ayuda sa unang distrito sa Luna, Tuy noong Agosto 24. Muling nakatanggap ang […]

Mga manggagawa sa Timog Katagalugan, nagpetisyon para sa dagdag-sahod
August 30, 2023 |

Nagpetisyon ang mga manggagawa mula sa Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP) at Workers’ Initiative for Wage Increase-ST para sa P750 minimum wage sa rehiyon. Idinulog ang petisyon sa opisina ng Regional Wage Board 4-A sa Batangas City noong Agosto 7. Ayon sa MWAP, “Layunin ng petisyong P750 minimum wage ang pagpapaliit ng agwat […]

14 lider-aktibista nakatanggap ng subpoena dahil sa protesta noong SONA
August 30, 2023 |

Ipinatawag sa Quezon City Prosecutor’s Office ang 15 na lider-aktibista matapos kasuhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa paglulunsad ng protesta sa State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. Sinampahan sila ni Police Corporal Jordan A. Barbado ng QCPD noong Agosto 21 ng paglabag sa Batas Pambansa Bilang 880 o Public Assembly […]

Dalawa sa inarestong San Juan 3, nakalaya na
August 30, 2023 |

Nakalaya na sa bisa ng release order ng Batangas Provincial Prosecutor’s Office ang drayber na si Jose Escobio at manggagawang kaibigan nito na si Junald Jabonero nitong Setyembre 4. Sila kasama ang lider-magsasakang si Ernesto Baez Jr. ng Samahang Magbubukid ng Batangas ay dinakip matapos tamnan ng samu’t saring baril at pampasabog ng PNP Batangas […]

59th IBPA, pinalalayas sa Batangas
August 30, 2023 |

Nagprotesta ang mga Batangueño sa Brgy. Sampaga, Balayan upang palayasin ang 59th IBPA mula sa kanilang komunidad noong Agosto 4. Kalahok sa protesta ang mga organisasyong Kaisahan ng mga Manggagagawang Bukid sa Tubuhan (Kaisahan) at Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR) – Batangas. Inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Putol, Tuy ang pangamba at […]