ARTIKULO X. ANG PANANALAPI NG PARTIDO
Seksyon 1. Ang Partido ay tutustusan ng mga butaw sa
pagsapi at regular na butaw ng mga kasapi, ng mga produktibong gawain
ng Partido at ng mga walang kondisyong kontribusyon.
Seksyon 2. Ang mga maralita ng lunsod at bukid ay magbabayad
ng takdang buwanang butaw na limampung sentimo.
Seksyon 3. Ang sinumang nagnanais pumasok sa Partido
ay pagbabayarin ng butaw sa pagsapi na katumbas ng halaga ng isang buwang
butaw. Ang mga butaw ay babayaran nang buwanan at katumbas ng dalawa't
kalahating porsiento ng kabuuang kinikita ng kasapi. Gayunma'y maaaring
baguhin ang pagbabayad ng butaw batay sa mga indibidwal na kalagayan katulad
ng pagbabagu-bago ng kita, mas malaki o mas mababang kita, o mas malaking
pangangailangan ng pamilya.
Seksyon 4. Maaaring ipataw ang mga natatanging buwis
sa kasapi sa kapahintulutan ng kinauukulang komite ng Partido.
Seksyon 5. Ang mga kasapi ng Partido na nagkaroon ng
trabaho sa tulong ng Partido sa mga tanggapan sa labas ng Partido ay magbibigay
ng kanilang kita sa Partido at tatanggap ng halagang pagpapasyahan ng
Partido ayon sa regulasyon at sa pangangailangan ng mga kasapi.
Seksyon 6. Ang Komite Sentral ay tatanggap ng walumpung
porsiento ng mga butaw sa pagsapi, butaw ng mga kasapi at iba pang buwanang
kita at siyang maghahati-hati ng halaga para sa mga komite sa iba't ibang
antas. Ang dalawampung porsiento ay maiiwan sa sangay ng Partido.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI Balik sa itaas
|