ARTIKULO VI. MGA ORGANISASYONG PANTERITORYO NG
PARTIDO
Seksyon 1. Ang mga kumperensya ng panteritoryong organisasyon
ng Partido ay regular na idaraos; sa mga rehiyon, minsan bawat tatlong
taon; sa mga lalawigan at distrito, minsan bawat dalawang taon; at sa
mga seksyon, minsan isang taon. Gayunman, ang mga kumperensya ay maaaring
idaos anumang panahon batay sa desisyon ng nakatataas na organo ng Partido
o batay sa petisyon ng mayorya ng mga nakabababang organo ng Partido.
Seksyon 2. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng mga
kumperensya sa rehiyon, lalawigan, distrito at seksyon ay ang mga sumusunod:
a. tumanggap, tumalakay at magpatibay ng mga ulat na ginawa ng
mga komite ng Partido at iba pang organo ng Partido sa gayon ding
antas;
b. gumawa ng mga resolusyon tungkol sa mga suliraning pang-organisasyon
at pampulitika; at
k. maghalal ng komite ng Partido pagkaraang pagpasyahan ang karampatang
bilang ng mga kasapi.
Seksyon 3. Sa mga kaukulang plenum, bawat panteritoryong
komite ng Partido ay maghahalal ng komiteng tagapagpaganap at kalihiman
(kalihim at mga pangalawa nito). Ang kalihim ay mangungulo sa mga plenum,
sa komiteng tagapagpaganap at sa kalihiman.
Ang mga komiteng panrehiyon ay magdaraos ng plenum minsan bawat
anim na buwan; ang mga komiteng panlalawigan, minsan bawat tatlong
buwan; ang mga komiteng pandistrito at panseksyon, minsan isang
buwan.
Seksyon 4. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan,
pandistrito at panseksyon ay tutupad ng mga desisyon ng mga nakatataas
na organisasyon ng Partido, lilikha ng mga pansamantalang nakabababang
organo ng Partido, mamamahala sa kanilang mga aktibidad at magtatalaga
ng mga kadre ng Partido.
Seksyon 5. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan,
pandistrito at panseksyon ay regular na tatawag bawat taon ng mga kumperensya
sa mga gawain at pag-aaral na dadaluhan ng mga delegadong halal ng mga
sangay ng Partido at grupo ng Partido sa mga organisasyong pangmasa. Ang
mga kumperensyang ito ay may kapangyarihang magharap ng mga rekomendasyon
tungkol sa gawaing pang-organisasyon at mga suliraning pampulitika sa
mga namumunong organo ng Partido, laluna sa mga namumunong komite.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI Balik sa itaas
|