CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

ARTIKULO III. MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon 1. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. paunlarin ang pagkakaisa at lakas ng Partido sa pamamagitan ng pagtataas sa antas ng kanilang pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at sa paggamit ng unibersal na teoryang ito sa mga kongkretong suliranin ng Partido at ng demokratikong rebolusyon ng bayan;

b. ipauna ang kapakanan ng Partido o ang kapakanan ng masa ng sambayanan sa kapakanang pansarili, paglingkuran ang masa ng sambayanan nang walang pasubali, matuto sa kanila at ipaliwanag sa kanila ang mga patakaran at desisyon ng Partido at gawin ang maagap na pag-uulat sa Partido hinggil sa mga pangangailangan at mithiin ng mga mamamayan;

k. bakahin ang makabagong rebisyonismo at lahat ng maling tunguhin ng pag-iisip at pagkilos sa loob ng Partido;

d. sundin ang Saligang Batas at Programa ng Partido;

e. tupdin nang lubusan ang linya ng Partido at lahat ng partikular na tungkuling iniaatas sa kanila;

g. magpakahusay sa kanilang linya ng gawain at maging uliran sa disiplina, masikhay na paggawa, pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay sa mga organisasyon ng Partido, organisasyong pangmasa at sa hanay ng mamamayan;

h. gumawa ng pagpuna sa sarili upang maiharap ang mga kamalian at mga kahinaan, taimtim na magsikap na pangibabawan at iwasto ang mga ito at pagbutihin ang kanilang gawaing pampulitika;

i. magtrabaho sa isang partikular na organisasyon ng Partido at laging dumalo sa mga pulong;

l. dumalong lagi sa mga kurso sa pag-aaral at laging magbasa at magpalaganap ng mga lathalain ng Partido;

m. maging tapat sa Partido at maglahad ng lahat ng katibayang kailangan sa pagbubuo ng tumpak na desisyon;

n. maagap na magbayad ng butaw; at

ng. magmatyag sa anumang bagay o pangyayari sa loob o labas ng Partido na ikasasapanganib ng Partido at makibaka sa lahat ng bagay na makapipinsala sa kapakanan ng Partido at ng samabayanan.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. malayang lumahok sa mga talakayan sa mga pulong ng Partido hinggil sa mga teoretikal at praktikal na suliranin ukol sa linya, mga patakaran at desisyon ng Partido;

b. maghalal at mahalal sa loob ng Partido;

k. magharap ng mga mungkahi, pahayag o karaingan sa anumang organisasyon o organo ng Partido sa anumang antas;

d. pumuna sa anumang organisasyon,organo o sinumang kasapi ng Partido sa mga pulong ng Partido;

e. magsiyasat sa katangian ng kandidato para sa anumang tungkulin o komite;

g. maghabol sa anumang desisyon sa nakatataas na organo ng Partido hanggang sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso; at

h. humiling na dumalo sa anumang pulong na tinawag upang suriin ang kanilang mga katangian, gawain o anumang aksyong pandisiplina na ipapataw sa kanila maliban kung hindi ipinahihintulot alang-alang sa kaligtasan ng Partido.

Seksyon 3. Ang mga tungkulin at karapatan ng mga kandidatong kasapi ay katulad din ng sa mga kasapi ng Partido, maliban sa wala silang karapatang maghalal o mahalal at walang tinig sa paggawa ng desisyon sa loob ng Partido.

Seksyon 4. Ang mga kandidatong kasapi o mga kasapi ng Partido ay malayang magbitiw sa Partido. Ang bawat pagbibitiw ay lubusang ipaliliwanag sa loob ng kinauukulang komite ng Partido.

Seksyon 5. Ang bawat kasapi ng Partido, anuman ang merito at tungkulin, na hindi tumupad sa kanyang mga tungkulin o hindi gumagalang sa mga karapatan ng kanyang mga kasama ay pupunahin at bibigyang-aral. Ang malulubhang paglabag sa mga karapatan at tungkulin ay bibigyan ng karampatang hakbang na pandisiplina.

a. Ang anumang aksyong pandisiplina sa mga kasapi ng Partido ay pagpapasyahan ng sangay o grupo sa organisasyong pangmasa na kinabibilangan nila; ngunit kung ang kaparusahang ipapataw ay pagtitiwalag, kinakailangan ang pahintulot ng kagyat na nakatataas na komite ng Partido.

b. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad ng komite ng Partido ay pagpapasyahan ng kumperensyang naghalal sa kanya sa gayong katungkulan o ng isang nakatataas ng komite ng Partido.

k. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad o kandidatong kagawad ng Komite Sentral ay pagpapasyahan ng panlahatang pulong ng Komite Sentral.

Seksyon 6. Ang mga aksyong pandisiplina ay ipapataw alinsunod sa kabigatan ng paglabag sa disiplina ng Partido at ang mga ito ay alinman sa mga sumusunod: babala, mahigpit na babala, pagtanggal mula sa gawaing naunang itinakda, pagbibigay ng pansubok na gawain, suspensyon o pagtitiwalag mula sa Partido.

Party Constitution Bottom Preambulo
I II III IV V VI VII VIII IX X XI
Balik sa itaas

Saligang Batas ng Partido Komunista ng Pilipinas

Preambulo

Artikulo I. Pangalan, Watawat at Sagisag, Awit at Sumpa

Artikulo II. Pagsapi

Artikulo III. Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi

Artikulo IV. Balangkas at mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Partido

Artikulo V. Ang Sentral na Organisasyon

Artikulo VI. Mga Organisasyong Panteritoryo ng Partido

Artikulo VII. Batayang Organisasyon ng Partido

Artikulo VIII. Mga Grupo ng Partido sa mga Organisasyong Pangmasa

Artikulo IX. Ang Kaugnayan ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan

Artikulo X. Ang Pananalapi ng Partido

Artikulo XI. Mga Susog at Natatanging Kalagayan




Basahon sa Hiligaynon




[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.