ARTIKULO VII. BATAYANG ORGANISASYON NG PARTIDO
Seksyon 1. Ang sangay bilang batayang organisasyon ng
Partido ay itatatag saanman may di-kukulangin sa tatlong kasapi ng partido
na sama-samang kumikilos bilang isang kolektibo, alinsunod sa pook ng
paninirahan, pook ng gawain at pook ng pag-aaral. Itatalagang mga sangay
ng Partido sa mga pabrika, minahan, plantasyon o asyenda, baryo, paaralan,
kalye, tanggapan at mga pook ng pananahanan at sa bawat kompanya ng hukbong
bayan. Kung sa mga nabanggit na lugar ay kulang sa tatlo ang kasapi, ang
mga kasaping ito ng Partido ay papaloob sa pinakamalapit na batayang organisasyon
ng Partido.
Seksyon 2. Kung lampas sa labinlima ang kasapi ng isang
sangay ng Partido, ang buong kasapian ay hahatiin sa mga grupo ng sangay
alang-alang sa kaligtasan, maliban kung ang sangay ay nasa rebolusyonaryong
base. Ang bawat grupo ng sangay ay hindi kailanman palalampasin sa sampung
kasapi.
Seksyon 3. Ang pinakapundamental na tungkulin ng batayang
organisasyon ng Partido ay ang pagpapaunlad ng pinakamahigpit na ugnayan
sa pagitan ng Partido at ng masa ng sambayanan.
Ang mga pangkalahatang pananagutan ng sangay ay:
a. tumupad ng gawaing pampropaganda at pang-organisasyon sa hanay
ng masa upang mapairal ang linya ng Partido at ang mga patakaran
at desisyon ng mga nakatataas na organo ng Partido;
b. alamin sa masa ang kanilang mga mithiin at kahilingan, gumawa
ng mga napapanahong ulat sa mga nakatataas na organo ng Partido,
magbigay-patnubay at lumahok sa buhay-pampulitika, pang-ekonomia
at pangkultura ng mamamayan.
k. mangalap ng tulong na materyal at moral para sa sandatahang
pakikibakang inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan;
d. mangalap ng mga bagong kasapi ng Partido at mga Pulang mandirigma,
mangolekta ng butaw ng mga kasapi ng Partido, magsuri ng mga ulat
mula sa mga kasapi ng Partido at mangalaga sa disiplina at kaligtasan
ng Partido sa hanay ng mga kasapi;
e. magbuo ng mga kurso sa pag-aaral para sa mga kasapi ng Partido
at mamahagi ng mga lathalain ng Partido; at
g. magrekomenda ng mga kasapi ng Partido para sa pagsasanay na
pangkadre sa Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tsetung.
Seksyon 4. Ang mga pulong ng sangay ay idaraos kahit
minsan lamang isang buwan. Ang mga ito ay dadaluhan lamang ng mga puno
ng mga grupong pansangay kung sa pook na hindi matatag at walang proteksyon
ay mahirap dumalo ang lahat ng kasapi ng sangay.
Ang mga pulong ng sangay ang maghahalal ng komiteng tagapagpaganap
at kalihiman (kalihim at mga pangalawang kalihim) ng sangay at
hihirang ng mga puno ng mga grupo ng sangay. Ang takdang panahong
ipanunungkulan ng lahat ng ito ay isang taon.
Ang mga pulong ng sangay ang magpapatibay sa mga aplikasyon sa
pagsapi sa Partido, tatanggap at tatalakay sa mga ulat ng mga
kasapi at komite ng sangay, at mapagpapasya sa gawain ng buong
sangay.
Seksyon 5. Ang isang kasapi ng Partido ay maaaring mapabilang
sa dalawang sangay at magbayad ng butaw sa isa lamang bastat may pahintulot
siya ng isang nakatataas na komite ng Partido. Ang isang kasapi ng Partido
na lumilipat mula sa isang sangay tungo sa isa pang sangay ay magdadala
ng pahintulot ng komite ng seksyong nakatataas sa sangay na kanyang panggagalingan.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI Balik sa itaas
|