CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

SALIGANG BATAS NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

PREAMBULO

Ang pagsasanib ng unibersal na katotohanan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino ang kataas-taasang tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay isang rebolusyonaryong partidong proletaryo na humahango ng aral mula sa lahat ng nakaraang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino at mula sa mga dakilang aral nina Marx, Engels, Stalin at Mao Tsetung. Umaagapay ito sa pagsulong ng teorya at praktika sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo na pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay matatag na sumasalungat sa makabagong rebisyonismo at sa lahat ng tunguhin ng subhetibismo, oportunismong Kanan o "Kaliwa", liberalismo at sektarismo na siyang dapat maging target ng walang humpay na pagwawasto at rebolusyonaryong pagmamatyag.

Ang Partido ay puspusang nakikibaka upang maging pinakasulong na destakamento at pangunahing kasangkapan ng uring manggagawang Pilipino, magtataguyod sa rebolusyonaryong pamumunong proletaryo, sa kasalukuyang yugto ng demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa dalawang pangunahing kaaway, ang imperyalismong Amerikano at peudalismo, at sa susunod na yugto ng rebolusyong sosyalista.

Ang Partido ay laging nagsisikap na paunlarin ang pinakamalalim na ugnayan sa masang manggagawa at magsasaka sa buong kapuluan. Ginagamit nito ang pagpuna at pagpuna sa sarili upang mapanatili ang tumpak na paninindigang makauri at estilo ng paggawa.

Upang magapi ang mga imperyalistang Amerikano, ang malaking burgesiang komprador, ang mga panginoong maylupa at ang mga burukratang kapitalista, ginagamit ng Partido ang mga sandata ng matagalang digmang bayan at pambansang nagkakaisang prente. Itinataguyod ng Partido ang pamumuno ng uring manggagawa, itinatayo ang batayang alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka, at inaakit din ang petiburgesiang lunsod at makabayang pambansang burgesia sa panig ng demokratikong rebolusyong bayan.

Sa paglulunsad ng digmang bayan, ang Partido ay pangunahing umaasa sa suportang pangmasa ng uring magsasaka, lalo na ang mga maralitang magsasaka at manggagawang bukid. Pinauunlad ng Partido ang rebolusyonaryong pwersa sa kanayunan upang durugin ang mga haligi ng peudalismo at ang sandatahang kontrarebolusyon doon at paligiran ang mga lunsod mula sa mga rebolusyonaryong base hanggang sa handa nang agawin ng demokratikong pwersa ng bayan ang kapangyarihan sa mga lunsod.

Pambansa at internasyunalistang tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas na ibagsak ang imperyalismong Amerikano, peudalismo at lahat ng katutubong reaksyon. Ang pambansa at panglipunang pagpapalaya sa sambayanang Pilipino ay magpapahina sa mga imperyalista at lahat ng reaksyonaryo sa pandaigdigang saklaw at magpapalakas sa mga kapatid na partido at mamamayan sa sarili nilang makatarungan at maunlad na pakikibaka. Sa pamamagitan ng magkakatugong pagkilos ayon sa prinsipyo ng proletaryong internasyonalismo at ayon sa patakaran ng pandaigdigang nagkakaisang prente, tiyak na matatamo ang ganap na pagbabagsak sa imperyalismo at ang pandaigdigang tagumpay ng sosyalismo sa panahon ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Sandatahan natin ang ating sarili ng di-magagaping Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung!

I II III IV V VI VII VIII IX X XI Back to top



Preambulo

Artikulo I. Pangalan, Watawat at Sagisag, Awit at Sumpa

Artikulo II. Pagsapi

Artikulo III. Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi

Artikulo IV. Balangkas at mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Partido

Artikulo V. Ang Sentral na Organisasyon

Artikulo VI. Mga Organisasyong Panteritoryo ng Partido

Artikulo VII. Batayang Organisasyon ng Partido

Artikulo VIII. Mga Grupo ng Partido sa mga Organisasyong Pangmasa

Artikulo IX. Ang Kaugnayan ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan

Artikulo X. Ang Pananalapi ng Partido

Artikulo XI. Mga Susog at Natatanging Kalagayan




Basahon sa Hiligaynon


[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.