ARTIKULO VIII. MGA GRUPO NG PARTIDO SA MGA ORGANISASYONG PANGMASA
Seksyon 1. Ang grupo ng Partido ay lihim na lilikhain
sa bawat antas na maaari itong likhain sa mga organisasyon ng mga manggagawa
at sa mga organisasyong pangmasa ng mga magsasaka, kabataan, estudyante,
kababaihan, manggagawang pangkultura, propesyonal, tagayaring-kamay at
iba pa na may di-kukulangin sa tatlong kasapi ng Partido. Kabilang sa
mga pananagutan ng mga grupong ito ng Partido ang pagpapatupad sa mga
patakaran at desisyon ng Partido, pagpapalakas sa pakikipagkaisa sa mga
aktibistang di-kasapi ng Partido at pagpapaunlad ng mahigpit na ugnayan
sa pagitan ng Partido at masa sa loob ng mga organisasyong pangmasa.
Seksyon 2. Ang mga kasapi ng Partido sa mga institusyong
burges na malawak ang nasasakupan ay lihim ding magbubuo ng mga grupo
ng Partido. Kabilang sa kanilang mga pananagutan ang pagpapatupad sa mga
patakaran at desisyon ng Partido, pangangalap ng impormasyong mahalaga
sa Partido, pagbubunyag sa mga kasalanan at kahinaan ng mga nagsasamantalang
uri at pangangalap ng mga kasapi ng Partido mula sa hanay ng petiburgesiang
lunsod.
Seksyon 3. Ang bilang ng kasapi sa mga grupo ng Partido
ay itatakda ng mga komite ng Partido na namumuno sa kanila. Ang grupo
ng Partido sa bawat antas ng mga organisasyong pangmasa ay magkakaroon
ng kalihim at mga pangalawang kalihim.
Seksyon 4. Ang katayuan at mga karapatan ng mga grupo
ng Partido sa Pambansang Kongreso at sa mga kumperensya ng Partido ay
pagpapasyahan ng Komite Sentral.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI Balik sa itaas
|