ARTIKULO I. PANGALAN, WATAWAT AT SAGISAG, AWIT AT SUMPA
Seksyon 1. Ang pangalan ng organisasyong ito ay Partido Komunista ng Pilipinas. Kung kakailanganin, itatangi ng Partido ang sarili sa pangalan at nilalaman mula sa Partido Komunista ng Pilipinas (Pagsasanib ng Partido Sosyalista at Partido Komunista) sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pariralang Marxista-Leninista o Kaisipang Mao Tsetung sa loob ng panaklong.
Seksyon 2. Ang watawat at sagisag ng Partido ay kulay pula na may ginto o puting maso at karet sa gitna.
Seksyon 3. Ang awit ng Partido ay ang Internasyunal.
Seksyon 4. Ang sumpa ng Partido ay ang sumusunod:
"Ako, si________, ay nagpapahayag ng aking lubos na pagsang-ayon sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, sa Programa at Saligang Batas ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa lahat ng desisyon ng mga nakatataas na organo ng Partido at ng yunit ng Partidong kinatatalagahan ko.
"Sumusumpa akong tutupdin ang lahat ng tungkulin at pananagutan ko sa abot ng aking makakaya, patataasin ang aking proletaryong rebolusyonaryong kamulatan, paglilingkurang lagi ang sambayanan at magiging malapit sa kanila, ipagtatanggol at ipaglalaban ang kapakanan ng sambayanan, pananatilihing mataas ang dangal at prestihiyo ng Partido, pangangalagaan ang kaligtasan ng Partido at lahat ng kasama ko buhay ko ma'y ialay kung kinakailangan, buong katapatang pupunahin ang mga kamalian at kahinaan ko at ng aking mga kasama upang mapabuti ang paggawa at estilo ng paggawa batay sa tumpak na makauring paninindigan at upang mabuo ang pagkakaisa at lakas, at isusulong ang kapakanan ng Partido at ng masa. Gagamitin ko ang lahat ng pagkakataon upang maipalaganap ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at maipatupad ang proletaryong rebolusyonaryong linya ng Partido."
Ang sumpang ito ay gagawin kapag ang isang tao ay pumapasok sa Partido bilang kandidatong kasapi at kapag ang isang kandidatong kasapi ay tinatanggap bilang ganap na kasapi ng Partido.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI Balik sa itaas
|