Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin
ni Amado Guerrero
Pahayag ito tungkol sa mahigpit na mga tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas ayon sa Ikatlong Plenum ng Komite Sentral at batay sa pinakahuling mga pangyayari. Naririto ang mga kundisyon, pwersa, paraan, tunguhin at rason na kaugnay ng pagsasagawa sa mga tungkuling iyon.
Buong puso at buong tatag tayong magkaisa na isagawa ang mga tungkuling ito para sa iisang layuning ipagtagumpay ang buhay-at-kamatayang pakikibaka sa pasistang rehimeng diktador ng pangkatin ng Estados Unidos at nina Marcos, at kasabay nito'y komprehensibong isulong ang demokratikong rebolusyong bayan.
Dapat akuin ng bawat isa sa atin sa Partido ang lahat ng makakayang tungkulin at responsibilidad, nang walang takot sa hirap at sakripisyo at laging nagsisilbi sa mamamayan. Tayong lahat ay dapat puspusang magsikap na pamunuan ang ating sambayanan hanggang makalaya ang bansa at lipunan.
|