CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

4. HIGIT PANG PALAKASIN ANG HUKBONG BAYAN AT ISULONG ANG REBOLUSYONARYONG ARMADONG PAKIKIBAKA!

Higit pa nating palakasin ang Bagong Hukbong Bayan bilang pangunahing porma ng organisasyong pinamumunuan ng Partido at isulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka bilang pangunahing porma ng pakikibaka ng mamamayan. Naitatag na natin ang mahusay na batayan para sa mahigit pang paglakas ng Bagong Hukbong Bayan.

Mataas ang kamulatang pampulitika ng ating mga Pulang mandirigma at mahigpit silang nakaugnay sa masa. May grupo ng Partido sa loob ng bawat iskwad, at kadalasan ay myembro ng Partido ang mayorya ng pulang mandirigma. Sa ngayon, nakabase sa platun ang sangay ng Partido.

Dumadami ang riple ng hukbong bayan mula noong unang parte ng 1969 hanggang noong bisperas ng pasistang paghaharing militar at mula noong 1972 hanggang ngayon. Napakarami na nang armas ngayon ng hukbong bayan kong ikukumpara sa tatlumpu't limang riple't pistola na pinag-umpisahan nito. Ang hukbong bayan ngayon ay may mga pwersang gerilya sa lahat ng rehiyon sa labas ng Maynila-Rizal, at may dalawampung larangan gerilya lahat-lahat.

Pinamumunuan ng panrehiyong komite ng Partido ang bawat panrehiyong organisasyon ng hukbong bayan. Sa pamumuno ng Komite Sentral, malawak na malawak na ang nasasaklaw ng hukbong bayan sa buong bansa kong ikukumpara sa pinag-umpisahan nito sa ikalawang distrito ng Tarlac.

Nakakuha ng mahalagang karanasan at napanday ang ating hukbong bayan. Dumaan ito sa mahigpit na pagsubok sa malakihan at matagalang mga kampanya ng mga kaaway. Natatandaan pa natin ang Tarlac noong 1968-71, ang Isabela noong 1972-73, ang Sorsogon noong 1974-75, at ang Aurora noong 1975. Noong katindihan ng mga kampanyang ito, ang kaaway ay laging gumagamit ng tropa na mahigit sandaang beses ang dami kaysa atin, at sinusuportahan ang mga tropang ito ng pwersang paramilitar, malakas na armas at pinakamodernong sistema ng komunikasyon at transportasyong panghimpapawid at panlupa.

Katakot tako na hirap ang napangibabawan ng ating magigiting na Pulang mandirigma at kadre ng Partido, kasama ang masa. Sa kabuuan ay nag-ibayo ang armadong lakas ng hukbong bayan sa kabila ng lahat ng kampanya ng kaaway, na tinampukan ng pinakamalupit na porma ng pagsupil sa masa. Dumanas tayo ng ilang kabiguan. Wala kahit isang panrehiyong organisasyon ng hukbong bayan na hindi dumanas ng grabeng kabiguan sa iba't ibang panahon. Pero kahit napinsala tayo, sobra pa ang nabawi ng pwersang gerilya dahil sa ginawa nilang pagpapalawak paglipat at pagbawi.

Dahil sa paglawak ng hukbong bayan sa buong bansa, hindi magagawa ng kaaway na ikonsentra sa isang rehiyon ang kanyang tropang panlaban nang hindi susulong ang pwersa natin sa ibang rehiyon. Hanggang ngayon hindi na nagagawa ng kaaway na ganap na gapiin o mapagpasyang gapiin sa istratehiya ang lahat ng pwersa natin sa alinmang rehiyon. Ang pagkakaroon ng ilang larangan gerilya sa isang rehiyon ay nagpapahina sa kampanya ng kaaway, nakatuon man ito sa lahat ng larangang gerilya o sa isa sa mga ito.

Sa kabila ng lahat ng nakamit natin sa pagbuo sa hukbong bayan napakaliit pa rin ng kabuuang armadong pwersa natin kung ikukumpara sa pwersa ng kaaway na ilang daang beses ang laki. Ang pag-unlad ng kasaysayan at ang kasalukuyang balanse ng pwersa, partikular ang antas ng armadong pwersa natin ang nagtatakda ng paraan ng ating pakikidigma, ang pakikidigmang geirlya.

Walang ibang dapat gawin kundi ang magpalakas tayo ng hakbang-hakbang. Makatarungan ang ating rebolusyonaryong armadong pakikibaka at napakalaki ng suporta dito ng mamamayan. Basta't sinusunod natin ang tamang istratehiya't taktika, mula sa pagiging maliit at mahina ay magiging malaki tayo't malakas. Bilang paulit-ulit, hakbang-hakbang natin itong gagawin.

Matagalan ang ating digmang bayan. Kailangan ng mahabang panahon para mabago ang balanse ng pwersa natin at ng kaaway. Dapat din nating kilalanin na nasa likod ng mga lokal na reaksyonaryo ang imperyalismong EU. Patuloy silang susuplayan at tutulungan man lamang ng superpawer na ito. Itinuturing nito ang Pilipinas bilang importanteng base para makapanatiling kapangyarihan sa Pasipiko at bilang pusisyon ng lakas sa Asya.

Talagang paborable sa ating rebolusyonaryong armadong pakikibaka ang pagbulusok ng imperyalismong EU sa buong mundo, laluna pagkaraang mabigo ang gerang agresyon nito sa Indotsina. Pero dapat din natin kilalanin na pinatatatag ngayon ng imperyalismong EU ang pusisyon nito sa Pilipinas dahil nga sa mga pagkatalo sa ibang lugar; at sa matagal na panahon ay isang puspusang digmang bayan lamang ang epektibong magpapabagsak sa baseng kontrolado ng imperyalismong EU.

Hindi pwedeng ibigay sa atin ng mga mapagkaibigang pwersa sa ibang bayan ang tuling militar na kasinlaki ng kailangan o gusto natin. Dapat nating tanggapin ang kabalintunaan na kung kailan natin kailangang-kailangan ang ganoong tulong ay saka naman napakahirap nitong makuha. Ang iisang kapangyarihang imperyalista na naghahari sa Pilipinas ay hindi pa madaling ibagsak sa loob na darating na ilang taon. At ang dating kontrol nito sa maliit nating bayang pulo-pulo ay importanteng salik na kailangan harapin.

Sa ating digmang bayan, kailangan nating panatilihin ang lubos na pag-asa sa sarili. Talagang mas malaki ang pangangailangan natin umaasa sa sarili kaysa sa pangangailangang umasa sa sarili ng maraming rebolusyonaryong armadong kilusan sa ibang bayan. Walang ibang dapat gawin kundi patuloy nating palakasin ang determinasyong kunin ang lahat ng ating kailangan para sa armadong pakikibaka mula sa mamamayan at mula mismo sa kaaway sa larangan ng labanan.

Ang istratehikong linya natin sa digmang bayan ay kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan hanggang kaya na nating pasukin ang kalunsuran mula sa matatag na baseng rebolusyonaryo sa kanayunan. Sa mahabang panahon, kailangan nating paunlarin ang pakikidigmang gerilya sa buong bansa para gawing bentahe para sa atin ang disbentahe na ang larangan ng laban natin ay isang maliit na bayang pulu-pulo na napakalawak ng kanayunan, kung ikukumpara sa kalunsuran, pero nahahati sa napakaraming pulo.

Nasa yugto tayo ng istratehikong depensiba; sa katunayan ay nasa maagang subyugto ng istratehikong depensiba at dito'y pinauunlad natin ang pakikidigmang gerilya mula sa halos wala. Mula sa halos wala dahil sa rebisyonistang linya ng mga Lava at Taruc na umaksaya sa lahat ng natamong rebolusyonaryong tagumpay ng mamamayan.

Kailangan lamang tingnan gaano kalaki ang armadong pwersa natin sa walong rehiyon sa labas ng Maynila-Rizal para malaman kung gaano pang pagpupunyagi ang kailangan nating ibuhos para maparami pa ang ating mga iskwad at platun. Higit pa rin pagpupunyagi ang kailangan nating ibuhos para makasulong sa kasalukuyang yugto ng mga iskwad at platun.

Sa buong Pilipinas o sa buong rehiyon, nasa istratehikong depensiba tayo sa kalagayan malaking pwersa ng kaaway ang kumukubkob sa atin. Pero kay nating paglunsad ng mga taktikal na opensiba. Sa iba't ibang parte ng kanayunan, pwede nating daigin ang kaaway. Sa isang takdang panahon at sa limitadong lugar na pwede nating sukulin ang maliit na unit ng kaaway at saka natin ito durugin.

Dapat nating ilunsad ang mga taktikal na opensiba bilang pinakaesensya na nilalaman ng ating istratehikong depensiba. Hindi natin dapat isagupa ang maliit nating pwersa sa sobrang laking pwersa ng kaaway sa anumang labanang mapagpasya sa istratehiya. Hindi ito dapat mangyari sa alinmang rehiyon o larangan gerilya. Dahil alam natin na pwedeng hati-hatiin ang malaking pwersa ng kaaway tulad ng bagay ayon sa Marxistang pananaw. Dapat tayong mag-inisyatiba na maniobrahin ang kaaway para hatiin ang kanyang pwersa, at pagkatapos ay ikonsentra natin ang maliit nating pwersa sa parte lamang ng kaaway na sigurado nating malilipol sa isang takdang lugar at panahon.

Kailangan nating ipunin ang maliit na mga tagumpay natin sa mga ambus at reyd. Sa mahabang panahon, ang ganitong tagumpay ay dapag mag-anak ng mas maraming iskwad at platun gerilya. Sa ganoon, lalaki ang kapasidad nating durugin ang kaaway. Ang kataas-taasang tanda ng inisyatiba sa pakikidigmang gerilya natin ay ang paglipol sa kaaway at pag-agaw ng mga armas nito. Huwag natin aksayahin ang mahalaga't iilan-ilang bala natin at kailangang planuhing mabuti ang direksyon at tindi ng pagpapaputok sa isang takdang target. Walang saysay na pumatay ng mga tropang kaaway kundi hindi naman makukuha ang mga armas na hindi naman nila isusuko.

Dapat nating matutunang mabuti ang mga pundamental na taktika ng pakikidigmang gerilya. Kumakalat tayo para mag-propaganda at mag-organisa sa masa. Ikinokonsentra natin ang mas malakas na pwersa para lipulin ang kaaway. Lumilipat o umiikot tayo para umiwas sa mas malakas na pwersa ng kaaway, pag-aralan pa ito sa pamamagitan ng masa at ng sarili nating pagririkurida at lumagay sa pusisyong tayo ang makakalamang sa pulitika at militar.

Mahusay lamang natin magagamit ang ating taktikang gerilya kung mayroon tayong malawak malalim na organisadong suporta ng mamamayan at naibuwal na natin ang mga impormer ng kaaway at ng di nagbabagong elemento. Kung may organisadong masa na lumilinlang sa kaaway, para gawin siyang mistulang bulag at bingi, mabibigo natin ang mga tangka niyang ikonsentra ang kanyang pwersa laban sa maliit nating pwersa. Kahit naghahanda pa lamang siyang sumalakay sa atin, ang lakas at kilos niya ay malalaman natin sa pamamagitan ng masa, at ang resulta nito'y pwede tayong kumilos ng angkop sa kalagayan.

Kapag may panandaliang opensiba ang kaaway at gusto nitong isagupa sa atin ang mas malakas niyang pwersa, huwag natin siyang bigyan ng target at pasuntukin natin siya sa hangin nang gayo'y maubusan siya ng lakas. Pwede tayong manatiling aktibo sa pamamagitan ng pagtambang sa mahinang parte ng dispusisyon ng kaaway, pagsalakay sa kaaway sa ibang lugar, o kaya'y pagpunta na lamang sa iba pang lugar para asikasuhin ang gawaing masa doon. Hinding-hindi natin dapat harapin o ilunsad ang anumang labanan na hindi siguradong tayo ang mananalo. Maaaring hindi natin madurog ang opensiba ng kaaway, pero tiyak namang kaya natin itong biguin.

Sa lahat ng naging karanasan natin sa larangan ng labanan, ang problemang hindi natin malutas ay ang malakihan at matagalang mga kampanya ng kaaway na tinatampukan ng pwersahang ebakwasyon ng masa at ng lahat ng klase ng kahayupan. Naglunsad ang kaaway ng ganoong mga kampanya sa mga lugar na sa malawak na parte ay malakas-lakas tayo. Sa maagang yugto ng ganoong mga kampanya ng kaaway, kapag hindi pa mahigpit ang kanyang kontrol, dapat nating pagbayarin nang malaki ang kaaway nang hindi napipiligro ang kagyat na paglipat ng mga pangunahing pwersang gerilya sa ibang larangan o purok gerilya.

Masyadong magastos para sa kaaway ang mga kampanya nito, panandalian man o matagalan. Ito ang dahilan kaya patuloy na lumalaki ang badyet militar ng pasistang diktadura. Ang paulit-ulit na pagbigo at di pagbibigay ng target sa mga kampanya ng kaaway ay uubos sa mga kagamitan at tauhan ng reaksyonaryong gubyerno at magpapababa sa moral ng mga tropang kaaway na dumadanas din ng kahirapan nang walang napapala.

Hindi maling lumipat ng lugar kapag nahaharap tayo sa pwersa ng kaaway na sampu o sandaang beses ang lakas kaysa atin. Hindi ito pagtanggap ng pagkatalo at hindi rin pagiging palatakbo. Inililigtas lamang natin ang ating pwersa para malipol ang kaaway sa ibang pagkakataon. Matabang lupa rin para sa rebolusyon ang mga purok na kinukubkob at masinsing kinokonsentrahan ng kaaway. Isa pa, lagi nating mababawi ang alinmang "nawalang" teritoryo pagkaraan ng maikling panahon.

Para hindi tayong mapilitang lumipat sa di tiyak na destinasyon dahil sa kampanya ng kaaway matagal pa man bago magkaroon ng ganoong kampanya ay kailangan nating maging handa sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba pang larangang gerilya at pagdidiploy ng mga pangkat pampropaganda sa mga purok na ang pakikidigmang gerilya papaunlarin mula sa halos wala o umpisahin pagkalipas doon ng mga pwersang gerilya mula sa ibang lugar.

Ang kagubatan na walang tao ay mainam na mga daanan at mainam na mga lugar para pag-dausan ng pag-aaral at gawing pansamantalang urungan. Pero ang maghintay na lamang sa kagubatan, hanggang matapos ang malakihan at matagalang kampanya ng kaaway na umaabot ng mula isa hanggang dalawang taon ay magpapatangay sa taktika ng kaaway na kubkubin tayo. Artipisyal din dahil sa ganitong pag-urong ang malaki-laking bilang ng mamamayang di armado. Babagal ang pagkilos, mauubos ang pagkain, at madaling matiktikan ng kaaway ang nakahiwalay na mga kaingin.

Kapag pwersahang pinalilikas ang masa, kailangang maglunsad ng mga ligal na pakikibakang masa para labanan at patigilin ang ebakwasyon. Kahit tapos na ang pwersahang ebakwasyong masa, ipagpatuloy ang mga ganitong legal pakikibakang masa para igiit na bayaran ang mga sinirang mga pananim at bahay, tratuhin at rasyunan ng maayos ang nasa mga sentro ng ebakwasyon, at pabalikin agad sila sa inalisang mga bahay.

Ang ilan sa mga mamamayan o ilan mga piling pamilya ay pwede rin natin sabihin lumipat-pangunahin sa sarili nilang pagsisikap at iba't ibang paraan -- sa mga lugar na nalilipatan natin. Marami sa kanila ang malamang na may mga kamag-anak at kaibigan doon. O kaya'y may mga lupang publiko doon na pwede nilang buksan tulad ng ginagawa ng iba.

Kapag panahon na para bawiin ang isang lugar na iniwan natin at iniwan na rin ng kaaway, dapat natin disarmahan ang mga unit ng "home defense" na iniwan ng kaaway at dagdagan ang sandata ng hukbong bayan. Iligpit natin ang mga may inutang na buhay at maging alerto sa mga ispiyang itinanim sa hanay ng masa.

Iginigiit natin na bilang pang-umpisa ng gawain sa bawat rehiyon ay itayo natin ang ating mga larangan gerilya sa paborableng kalupaan, ibig sabihin ay magubat, bulu-bundukin at maburol na kalupaang may mga tao. Kadalasan ay mahina ang kapangyarihan at impluwensya ng kaaway sa ganitong klase ng kalupaan, at pwede nating itatag dito ang mga baseng gerilya sa pinakamaikling panahong sa yugtong ito. Sa ganitong mga lugar hindi lamang malawak ang maniobrahan natin kundi madali rin tayong makakapagmaniobra nang hindi nabibisto. Pinakamahusay nating magagamit sa mga lugar na ito ang taktikang "akiting pumasok" ang kaaway. Hindi siya pwedeng pumasok nang hindi muna nalalantad sa atin at nang hindi niya tayo naaalerto. Madali na para sa atin na bantayan siya at paghandaan ang kanyang pagdating.

Iniaatas din natin na bilang pag-uumpisa ng gawain sa isang rehiyon, kailangang itatag ang dalawa o tatlong larangang gerilya sa kalupaang tulad ng nasabi na nag-aalala tayo sa posibilidad na maging sobrang kalat ang limitadong kadre at kagamitan ng Partido dahil sa dating tunguhing kailangan magkaroon tayo ng pwersang gerilya sa bawat probinsya. Pero ang alinmang panrehiyong organisasyon ng Partido ay pwedeng magkaroon ng mahigpit dalawa o tatlong larangan gerilya kapag pinapayagan na ng pag-unlad ng gawain at ng kundisyon.

Kahit dapat nating samantalahin ang pinakapaborableng kalupaan para sa pakikidigmang gerilya, sikapin din nating sumulong sa kapatagan mula kabundukan at pagkoordinahin ang mga pwersang rebolusyonaryong nasa kabundukan at ang nasa kapatagan, pati ang nasa baryo at ang mga nasa kabayanan. Sa pag-aasikaso sa mga pulo, unahin natin ang pangunahing pulo, at ilunsad ang di pangunahing pulo.

Ngayon pa lamang ay bigyan na natin ng atensyon ang mga baybayin. Importante ito dahil pulu-pulo ang bayan natin.

Hindi pa hinog ang kundisyon para magkaroon ng lantad na rebolusyonaryong baseng sentral na pepwestuhan ng Komite Sentral ng Partido at ng pangkalahatang hedkwarter ng Bagong Hukbong Bayan. Panatilihin nating nanghuhula at ignorante ang kaaway kung saan matatagpuan sa kanayunan ang mga prinsipal na pinuno natin pero ang tiyak sa yugtong ito, ay kailangan matatag nating ginagawa ang mga hakbang para likhain ang ganoong base sa pinakamahusay sa lokasyon.

Para lumitaw ang rebolusyonaryong baseng sentral, kailangang marating ang mas mataas na yugto sa ating digmang bayan, at kailangan isaalang-alang ang pag-unlad ng pakikidigmang gerilya sa buong bansa at ang takbo ng mga pangyayari sa buong mundo na kinasasangkutan ng imperyalismong EU. Mahaba ang lalakbayin natin para mapalitaw ang rebolusyonaryong baseng sentral. Sa lahat ng panrehiyong organisasyon ng Partido at hukbo, ang Hilagang kanluran Luzon, at Gitnang Luzon ang pinakadirektang may kinalaman sa paglikha ng mga kundisyon para lumitaw ang rebolusyonaryong baseng sentral.

Matagalang istratehikong tungkulin pa rin ng mga rebolusyonaryong pwersa ng Luzon na durugin ang mga pangunahing pwersa ng kaaway. Tiyak na darating ang araw na sa isang pangkalahatang opensiba ay magtatagpo sa Maynila-Rizal ang mga pwersa mula sa hilaga at timog ng Luzon. Gayundin, matagalang istratehikong tungkulin pa rin ng mga rebolusyonaryong pwersa ng Mindanaw at Kabisayaan na akitin ang mga pwersa ng kaaway at pakalatin ang sila. Sa ilang pagkakataon, pwedeng akitin papuntang Mindanaw ang kalakhang pwersa ng kaaway. Ang maniobrahan natin doon ay kasinglawak ng sa tatlong rehiyon sa hilaga ng Maynila-Rizal, at pwedeng pakinabangan ng hukbong bayan ang paglaban ng Hukbong Bangsa Moro o kaya'y ikoordina dito ang mga pagsisikap ng hukbong bayan, kung hindi posibleng pagsanibin ang dalawang hukbo. Ilang beses na natin tinukoy na mababa ang antas ngayon ng armadong pwersa ng Bagong Hukbong Bayan. Para mapalakas pa ito, dapat natin palargahin ang partisipasyon ng mamamayan sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Ang partisipasyong ito ay hindi natin dapat ilimita sa pagbibigay ng mga materyal na pangangailangan ng pultaym na mga Pulang mandirigma at sa pagmamatyag sa kaaway.

Dapat nating bigyan ng pagsasanay sa pulitika at militar ang pinakamaraming lalaki't babaing malusog ang pangangatawan mula sa mga organisasyong masa. At sa panapanahon ay dapat nating kunin sa hanay nila ang kailangan bilang ng boluntaryo na palalahukin sa mga aksyong militar na plinanong mabuti at dito'y pwedeng pagkumbinasyunin ang kanilang lumang klase ng mga sandata at ang modernong mga sandata ng pultaym na mga Pulang mandirigma. Ang lumang klase ng mga sandata ay pwedeng maging superyor kapag hawak ng napakaraming mamamayan, pero sinisigurado natin na mahuhusay na baril ang nasa sentro ng lumang klase ng mga sandata tulad ng itak, sibat, pana, at gawang-bahay na pasabog.

Kapag napapanatiling mataas ang mapanlabang diwa ng mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na pampulitika at pagsasanay militar kikilos sila anumang sandata ang hawak at gagamitin nila ang lahat ng panlalansi para disarmahan ang kaaway kahit walang gamiting sandata. Kapag nabigla natin ang ganap na iskwad ng kaaway sa isa na napakaraming posibleng sitwasyon, madali itong magagapi ng milisya natin sa pamamagitan ng itak o kahit walang ginagamit na sandata. Ang pinaka-importante ay ang rebolusyonaryong determinasyong at talino ng mamamayan. Sa hinaharap, magkakaroon na ng mga pag-aalsa't insureksyon, ng mamamayan sa napakaraming lugar.

^
BACK TO TOP

< PREV|1|2|3|4|5|6|7|8|NEXT >


Ang Mahigpit Nating Mga Tungkulin

ni Amado Guerrero



NILALAMAN:

Introduksyon

1. Isulong ang kilusang anti-pasista, anti-pyudal at anti-imperyalista!

2. Palakasin pa ang Partido at iwasto ang ating mga pagkakamali.

3. Itayo ang Rebolusyonaryong Kilusang Masa sa Kanayunan!

4. Higit pang Palakasin ang Hukbong Bayan at Isulong ang Rebolusyonaryong Armadong Pakikibaka!

5. Itayo ang Rebolusyonaryong Kilusang Masa sa Kalunsuran!

6. Buuin ang Malawak na Nagkakaisang Prenteng Antipasista, Antipyudal at Anti-imperyalista!

7. Iugnay ang Rebolusyong Pilipino sa Rebolusyong Pandaigdig!



 Download PDF file

 Read in English


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.