CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

7. IUGNAY ANG REBOLUSYONG PILIPINO SA REBOLUSYONG PANDAIGDIG!

Iugnay natin ang rebolusyong Pilipino sa rebolusyong pandaigdig. Tayo'y mga proletaryong internasyonalismo. Isinusulong natin ang rebolusyong Pilipino para makapag-ambag sa pakikibaka ng pandaigdigang proletaryado at ng sangkatauhan-pakikibakang gagapi sa imperyalismo at magpapasapit sa bukang-liwayway ng komunismo.

Kinikilala rin natin na pinakikinabangan ng rebolusyong Pilipino at pumapabor sa pagsulong nito ang lahat ng pakikibakang anti-imperyalista at pagsulong ng rebolusyon sa ibang bayan. Pinalilitaw ng mga pakikibaka't pagsulong na ito ang mga kundisyong paborable sa ating rebolusyonaryong pagpupunyagi. Tumatanggap tayo ng makapangyarihang suportang pampulitika at walang hanggang insipirasyon. Nakakakuha tayo ng walang kasinghalagang aral. Sa matagumpay na mga rebolusyong pambansa-demokratiko at mga rebolusyong sosyalista sa ibang bayan ay natatanaw natin ang ating maaliwalas na bukas.

Ang kagila-gilalas na rebolusyonaryong tagumpay ng mga mamamayang Indotsino sa Byetnam, Kambodya at Laos ay sinyal ng di na mapigil na pagbulusok ng imperyalismong EU sa Timog-silangang Asya, sa buong Asya, sa buong mundo at sa Estados Unidos mismo. Ipinagbubunyi natin na nagawa ng mga mamamayan ng maliliit na bayan ang ganoong nakakarinding dagok sa imperyalismong EU at ang ganoong kalaking ambag sa pandaigdigang rebolusyon.

Lumitaw ang matatag na mga destakamento ng anti-imperyalismo sa Timog-Silangang Asya, at itinaas ng mga ito ang bandila ng rebolusyong sosyalista at konstruksyong sosyalista. Sa lahat ng di pa napapalayang bayan sa rehiyon, mas determinado ngayon ang mga mamamayan na isulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa imperyalismong EU at mga alpuris nito.

Nasasaksihan natin ngayon ang paglisan sa kahiya-hiyang Organisasyong ng Tratado sa Timog-silangang Asya (Southeast Asia Treaty Organization o SEATO), isang lantarang instrumento militar ng EU, at ang pagkukubli sa Asosasyon ng mga Bansa sa Timog silangang Asya (Association of Southeast Asian Nations o ASEAN). Hindi na ipinagyayabang ng ASEAN ang agresibong kapangyarihan ng imperyalismong EU at ikinakaila pa nga ng asosasyon na instrumento ito ng nasabing superpawer. Pero lantaran nitong inaamin na ang tatlong pangunahing tungkulin ng mga reaksyonaryog gubyernong myembro nito ay supilin ang mga "insureksyon"; itaguyod ang "kapayapaan, kalayaan at nyutralisahin"; at paunlarin ang "panrehiyong kooperasyon sa ekonomya".

Hindi natin dapat kalimutan na kontra-rebolusyonaryo ang pangunahin at esensyal na katangian ng ASEAN, kahit naoobserbahan nating sinasalamin ng organisasyong ito ang isang tunguhing resulta lamang ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, ng malaking pagkatalo ng imperalismong EU sa Indotsina, at ng krisis na lumiligalig sa bawat di pa napapalayang bayan ng Timog-Silangang Asya. Dahil sa ganoong tunguhin, kailangan nating lalong alalahanin ang ating mga responsibilidad bilang mga rebolusyonaryo.

Kalapit bayan natin ang sambayanang Tsino na rumaragasa sa kanilang rebolusyong sosyalista at konstruksyong sosyalista, at matatag na naninindigan laban sa dalawang superpawer. Ang sambayanang Koreano ay nagsasagawa rin ng rebolusyong sosyalista at konstruksyong sosyalista sa hilaga, at hinaharap naman nila sa timog ang imperyalismong EU at mga alipuris nito.

Mabilis na sumusulong ang rebolusyon sa lahat ng lugar. Ang mga mamamayan ng Asya, Aprika at Amerikang Latina ay patuloy na nagsusulong ng makapangyarihang mga kilusang rebolusyonaryo laban sa imperyalismo, kolonyalismo at hegemonismo. Sa lahat ng iba pang kontinente, pati sa pinakabase ng imperyalismong EU at ng sosyal-imperyalismong Sobyet, nagsasagawa ng rebolusyonaryong pakikibaka ang mga mamamayan. Rebolusyon pa rin ang pangunahing tunguhin sa daigdig ngayon, at matatag na sumusulong ang mga partidong Marxista-Leninista.

Sumusulong ang rebolusyong pandaigdig sa kundisyong umiigting ang kumpitisyon ng mga superpawer, grabe ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, at tumindig ang mga mamamayan at bayan ng ikatlong daigdig bilang pangunahing pwersa ng pandaigdigang pakikibakang anti-imperyalista. Tumitindi ang lahat ng batayang kontradiksyon at kumukulo ang lahat ng sangkap ng rebolusyon at gera.

Sa kabila ng lumakas-huminang pagdudweto ng dalawang superpawer tungkol sa "kapayapaan" at "pagluluwag"; na ginagawa nila para ipaghele ang mga mamamayan ng mundo, lalong umiigting ang ribalan ng dalawang superpawer para maghari sa mundo, at nagkukumahog ang mga ito sa pagpaparami ng armas at paghahanda para sa gera. Tinatangka nilang patalsikin at lamangan ang isa't isa sa lahat ng lugar. Maliwanag na ang imperyalistang ribalan nila ang pinagmumulan ng piligrong magkagera.

Kahit sobrang kumakalat ang dalawang superpawer sa lahat ng lugar sa mundo, ang Europa ang pangunahin nilang pinag-aagawan. Doon pinakakonsentrado ang nagbabanggaang interes nila. Malamang na doon sumiklab ang gera. Doon at sa mga kalapit na lugar parami nang parami ang pumuputok na gulo. Kung sisiklab ang gera sa parteng iyon ng mundo, pwedeng todasin o panghinain ng mga hayop ang isa't isa habang isinusulong natin ang rebolusyon sa ating bayan at sa ating rehiyon.

Pero habang hindi pa sumisiklab ang gera sa Europa, tinatangkang pasukin ng sosyal-imperyalismong Sobyet kahit ang mga bayang tulad ng Pilipinas, na itinuturing ng imperyalismong EU na permanenteng nakareserba sa kanya sa parteng ito ng mundo. Kinakalkula ng sosyal-imperyalismong Sobyet na dapat itong makasingit sa diplomasya at kalakalan para panghinain ang imperyalismong EU sa mas maraming lugar at ipagpilitan ang bagong tsaristang ambisyon nito na maghari sa mundo.

Ang dominasyon ng imperyalismong EU sa Pilipinas ay maaalis lamang ng isang makapangyarihang kilusang rebolusyonaryo. Pero may ilusyon pa ang mga sosyal-imperyalistang Sobyet na ang mga lokal nilang ahente na matagal nang hindi pinaniniwalaan, ang taksil na rebisyonistang pangkatin nina Lava, ay pwedeng magsilbi sa kanila balang araw at pwedeng gumawa ng kataksilan at katarantaduhang sobra pa kaysa nagagawa ng mga ito ngayon bilang mga walanghiyang kasangkapan ng pasistang diktadura ni Marcos. Kahit ngayon, sa makikitid na sirkulo ng taksil na rebisyonistang pangkatin nina Lava ay hindi sila nagsasagawa sa kadadaldal tungkol sa pagkuha ng mas marami pang tulong mula sa imperyalistang amo nila para makagawa ng higit pang katarantaduhan.

Malinaw kung bakit sa anumang paraan ay hindi natin pwedeng maging kaibigan ang sosyal-imperyalismong Sobyet kahit kaaway ito ng imperyalismong EU. Samantalang dapat nating labanan ang imperyalismong EU. Samantalang dapat nating labanan ang imperyalismong EU, dapat tayong maging alerto sa sosyal-imperyalismong Sobyet at dapat nating biguin ang mga pakana nito. Lampas na lampas na tayo sa maagang parte ng dekada ng 1960 panahong nagagawa pang lokohin ng modernong rebisyonismong Sobyet ang mga tao na may mabuting intensyon.

Ang kasalukuyang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ang pinakagrabe mula noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at patuloy na gumaganda ang krisis na ito. Ang dahilan ng kasalukuyang pandaigdigang krisis ng kapitalismo ay ang panloob na batas ng pag-unlad ng kapitalismo na ang resulta'y krisis na sobrang produksyon; ang monopolistang kumpitisyon ng mga bayang kapitalista, laluna ng mga nangungunang kapangyarihang imperyalista; at ang pagkitid ng teritoryong pang-ekonomya dahil sa mga rebolusyon at dahil iginigiit ng mga gipit na bayan ang kanilang independensya.

Ipinapapasan ng mga imperyalista ang krisis sa kung sino ang pwede nilang pagpapsanin niyon. Ginagawa nila ang ganito sa pamamagitan ng pagpapalaki pa ng ganansa sa mga direktang pamumuhunan, mapang-usurang pautang, at di pantay na kalakalan. Lumalaban ang mga mamamayan. Kahit ang mga reaksyonaryong gubyerno tulad ng sa Pilipinas ay kailangang magmaniobra para sa sariling kapakanan samantalang determinado naman na manatiling papet ng imperyalismong EU.

Sa harap ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo at mga pakana ng mga superpawer, lalo pang iginigiit ng mga bayan ng ikatlong daigdig ang kanilang independensya, at ipinaglalaban nila ang bagong internasyonal na kaayusan sa ekonomya. Kahit ang mga reaksyonaryo ng gubyerno ay umaastang iginigiit nila ang independensyang kanilang bayan; at ang penomenong ito'y resulta ng pagsulong ng kilusang rebolusyonaryo at gayundin ng kagustuhan ng mga reaksyonaryong lider na bawasan o remedyuhan ang krisis na naglalagay sa kanila sa piligro.

Dapat linawin sa mamamayan na pinalawak ng pasistang diktadura ni Marcos ang relasyong diplomatiko at kalakalan ng Pilipinas dahil desperado at mahina na ang diktadura kahit kumakapit pa ito sa imperyalismong EU na among imperyalista nito. Malinaw ang mga kalagayan sa paglitaw ng mas mahusay na relasyon ng Pilipinas sa Tsina at sa mga bayan sa Gitnang-silangan.

Habang sinasabi ng pasistang diktador na siya ang nagtataguyod sa linya ng EU na "umasa sa isa't isa ang mga bayan sa ikatlong daigdig, dapat natin siyang batikusin at kundenahin sa pagiging pusakal na ahente ng imperyalismong EU sa ikatlong daigdig at sa pagpigil niya sa pinakamakabuluhang paglahok ng Pilipinas sa anti-imperyalistang pakikibaka ng ikatlong daigdig. Dapat tayong gumawa ng sariling pagpapahayag ng mga iginigiit ng ikatlong daigdig ayon sa itinatakda laluna ng mga rebolusyonaryong mamamayan nito.

Ipinapakita ng mga pangyayari na sa ilalim ng pasistang diktadura ni Marcos ay lalaong humigpit ang sakal ng imperyalismong EU sa ekonomya ng Pilipinas. Dahil sa konstitusyon ni Marcos at sa mga pasistang dikreto na nagbibigay ng higit pang pribilehiyo sa mga dayuhang mamumuhunan, kung tutuusin ay hindi na kailangang palitan ng bagong tratado sa ekonomya ang kasunduang Laurel-Langley.

Laging ipinipilit ng pasistang diktador na kailangan panatilihin ng imperyalismong EU ang mga baseng militar nito sa Pilipinas, magbigay iyon ng "proteksyon nukleyar" at magtanod sa himpapawid at karagatan. Ang mga negosasyon tungkol sa mga tratadong militar ng Estados Unidos at Pilipinas ay luma nang ritwal na paulit-ulit na ginagawa sa bigong pagtatangkang ilihis ang anti-imperyalistang pakikibaka ng mamamayan.

Ang bago lamang sa kasalukuyang mga negosasyon tungkol sa mga tratadong iyon ay gusto ng pasistang diktadura ni Marcos na makasingil ng kaunting upa sa malalawak na lupaing okupado ng mga baseng militar ng EU, bitiwan nito ang ilang piraso ng lupa ng base para sa ispekulasyon ni Marcos sa lupa at siguraduhing makakuha sa EU ng mas marami pang tulong sa pinansya at militar. Matagal nang naresolba ang usapin sa soberanya sa mga baseng militar ng EU; noong pa may' malinaw nang dapat igiit ang ganoong soberanya sa gawa.

Pagsikapan natin tamasahin ng rebolusyong Pilipino hindi lamang ang pampulitikang suporta ng mapagkaibigang mga pwersa sa ibang bayan kundi pati ang kongkretong tulong nila. Hindi inihinto kundi pinag-iibayo pa nga ng imperyalismong EU ang pagbibigay ng konggresyonal at di kongresyonal na tulong militar at iba pang klase ng tulong sa pasistang diktadura ni Marcos.

Habang papet pa rin ng imperyalismong EU ang pasistang diktadura ni Marcos, ginagmait nito ang mga terminong tulad ng "pag-asa sa sarili" at "di pakikihanay", kagaya ng paggamit nito sa mga terminong tulad ng "rebolusyong demokratiko" na ipinangalan sa pasistang kontrarebolusyon. Ang mang-agaw ng mga termino sa rebolusyonaryo ay luma ng salamangka ng pasistang magnanakaw. Pero laging mas malakas ang tinig ng katotohanan.

Hindi tulad ng mga reaksyonaryon, naninindigan tayo sa batayang prinsipyo ng independyente at pag-asa sa sarili. Ang tulong mula sa ibang bayan ay dapat maging pandagdag lamang sa pagpupunyagi nating umasa sa sarili at maging independyente. Kahit walang tulong mula sa ibang bayan, dapat tayong patuloy na makalaban at hakbang-hakbang na makasulong. Tulad ng nasabi na pwedeng magmula sa mamamayan at sa larangan ang halos lahat ng kailangan natin.

Dapat tayong makakuha ng suporta at tulong sa pinakamaraming kaibigang dayuhan na mapagkukunan nang di nahuhulog sa anumang bitag ng imperyalismong EU at sosyal-imperyalismong Sobyet. Higit sa lahat, pinahahalagahan natin ang klase ng tulong na nagpapatingkad sa pag-asa natin sa sarili, sa ating armadong pakikibaka at sa ating propaganda.

Bukod sa pagpapaunlad ng pinakamahigpit at pinakamabungang relasyon sa mga partidong Marxista-Leninista at iba pang organisasyong rebolusyonaryo, bigyan natin ng atensyon ang sarili nating kababayang nasa ibang bayan. Ang mga samahan ng kababayan natin ay kailangang magbigay ng lahat ng klase ng suportang posibleng ibigay sa rebolusyonaryong pakikibakang isinusulong sa kanilang inang-bayan, at kailangan nilang makuha ang pinakamalawak na suportang posibleng makuha sa mamamayan ng bayang kanilang pinaninirahan.

Ang kalahating milyong Pilipino na nasa Estados Unidos ay may napakaimportanteng papel sa pagkalap ng suporta para sa rebolusyong Pilipino hindi lamang mula sa kanila mismo kundi pati sa mamamayang Amerikano. Dapat epektibong labanan, sa tulong ng mamamayang Amerikano, ang panghihimasok ng EU at ang posibilidad na maglunsad ito ng isa pang gerang agresyon sa Pilipinas.

Matatagpuan sa iba't ibang parte ng mundo ang mga Pilipinong nangibang-bayan. Saan man sila naroon, kailangan nilang gawin ang lahat ng magagawa para matulungan ang kanilang mga kababayan, at kailangan silang maging handa sa pag-anib sa mga rebolusyonaryo sa kanilang inang-bayan. Ipinapalagay natin na nag-aaral ng Marxismo ang pinakaprogresibo sa kanila at may interes na akma sa rebolusyonaryong pakikibaka na isinusulong sa bayang kanilang pinaninirahan.

Gaganda't gaganda ang kundisyon sa mundo na pumapabor ngayon sa pagsulong ng rebolusyong Pilipino. Maaliwalas ang bukas ng lahat ng rebolusyonaryong mamamayan, samantalang madilim ang sa mga imperyalista't mga reaksyonaryo. ###

^
BACK TO TOP

< PREV|1|2|3|4|5|6|7|8|NEXT >


Ang Mahigpit Nating Mga Tungkulin

ni Amado Guerrero



NILALAMAN:

Introduksyon

1. Isulong ang kilusang anti-pasista, anti-pyudal at anti-imperyalista!

2. Palakasin pa ang Partido at iwasto ang ating mga pagkakamali.

3. Itayo ang Rebolusyonaryong Kilusang Masa sa Kanayunan!

4. Higit pang Palakasin ang Hukbong Bayan at Isulong ang Rebolusyonaryong Armadong Pakikibaka!

5. Itayo ang Rebolusyonaryong Kilusang Masa sa Kalunsuran!

6. Buuin ang Malawak na Nagkakaisang Prenteng Antipasista, Antipyudal at Anti-imperyalista!

7. Iugnay ang Rebolusyong Pilipino sa Rebolusyong Pandaigdig!



 Download PDF file

 Read in English


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Party Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.