Paraligal ng Anakpawis, inaresto

,

Inaresto ng pulisya ang paraligal ng Anakpawis Partylist na si Paolo Colabres habang binabantayan ang labi ni Randall Echanis sa isang punerarya sa Barangay Paang Bundok, La Loma, Quezon City noong Agosto 11. Sinampahan si Colabres ng kasong obstruction of justice at idinetine nang isang linggo sa Camp Karingal. Isang araw bago ang pang-aaresto, sapilitang kinuha ng mga pulis ang labi ni Echanis habang nakaburol ito sa Quezon Avenue.

Para pagtakpan ang pampulitikang motibo sa pamamaslang, pinalalabas ng pulisya na kaso lamang ng pagnanakaw at pagpatay ang krimen.

Paraligal ng Anakpawis, inaresto