2,000 Lumad, magsasaka, pinalayas ng militar

,

Pinalayas ng 88th at 8th IB ang may 2,000 Lumad at magsasaka sa 15 komunidad ng Cabanglasan, Bukidnon noong Hunyo 21. Tinatakan ng mga berdugo bilang “no man’s land” ang mga komunidad matapos ang kumprontasyon at dayalogo ng mga datu sa mga sundalo at lokal na gubyerno (Basahin ang kaugnay na artikulo: 88th IB, pi­na­la­la­yas ng mga Lumad sa Bukidnon ).

Dalawang araw pagkatapos nito, naghulog ng 15 bomba ang militar sa lugar gamit ang mga helikopter. Labing-isang beses na kinanyon ang erya, at pinaulanan din ito ng mga bala ng kalibre 50 masinggan. Nawasak ang mga maisan at namatay ang mga alagang hayop ng mga residente. Kinatay ng mga sundalo ang mga naiwang alagang hayop sa komunidad.

Pinasuko bilang mga kasapi ng hukbong bayan ang mga residente. Isinailalim sila sa siyam na araw na treyning bilang mga paramilitar na ipantatapat sa mga Pulang mandirigma.

Noong Hulyo 31, pinagbakwit din ang mga Lumad mula sa tatlong magkakanugnog na sityo ng Mindao, Miaray at Kalakapan. Labing-limang beses ding nagpaputok ng mga kanyon malapit sa komunidad.

2,000 Lumad, magsasaka, pinalayas ng militar