Tangkang pagtatayo ng kampo sa Quezon, muling binigo ng mamamayan

,

Pinangunahan ng mga kagawad at tanod ng barangay ang pagharang sa planong pagtatayo ng mga kampo militar sa Barangay San Francisco-B, Lopez, Quezon noong Agosto 7. Sama-samang pinalayas ng mga residente ang mga tropa na magtatayo ng detatsment. Ayon sa mga upisyal, agad na nagpaabot ng reklamo ang mga residente dito nang mabalitaan nila ang plano ng militar.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na pinalayas ng mga residente ng Quezon ang mga kampo-militar mula buwan ng Mayo. Nauna na rito ang r sa mga sundalo sa Sta. Elena at Cawayan sa Lopez; at Vista Hermosa at P. Herrera sa Macalelon.

Tangkang pagtatayo ng kampo sa Quezon, muling binigo ng mamamayan