Komunidad sa Cagayan, binomba ng militar

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishHiligaynonBisaya

Pambobomba malapit sa mga sibilyang komunidad sa Cagayan, iligal na mga pag-aresto at panggigipit sa mga magsasaka at iba pang sibilyan ang naiulat ng Ang Bayan sa nagdaang linggo.

Naghulog ang AFP ng 30 bomba sa apat na ronda mula alas-3 ng umaga ng Enero sa Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan, gayong wala namang yunit ng BHB sa lugar. Sinundan ito ng pag-iistraping sa na tumagal nang ilang oras. Dahil dito, napilitang magbakwit ang 66 pamilya, karamihan ay mga katutubong Agta.

Sa Sorsogon, inaresto ng 31st IB at mga pulis si Ruben Estremadura sa Barangay Sta. Barbara, Bulusan, Sorsogon noong Enero 12. Si Renaldo Gaan ay inaresto noong Enero 28 sa P4, Barangay Mahaba, Cabadbaran City, Agusan del Norte. Pareho silang pinaratangang myembro ng hukbong bayan.

Sa Quezon, isiniwalat ng Gabriela-Southern Tagalog noong Enero 21 ang panggagahasa ng isang sundalo kay “Belle,” isang 15-anyos na batang babae. Dinukot si Belle ng mga sundalo ng 59th IB at idinetine mula Hulyo 27 hanggang Agosto 13 noong 2020. Pinilit siyang paaminin na myembro ng BHB ang kanyang ina na isang aktibistang nakikipaglaban para ibalik sa mga magniniyog ang pondong coco levy. Nagpasya ang pamilyang idulog ang kaso sa Gabriela dahil sa walang tigil na panggigipit sa kanila ng AFP.

Sa Bulacan, pinaputukan noong Enero 28 ng mga armadong maton ni Gregorio Araneta III, bayaw ni Ferdinand Marcos Jr., ang mga kasapi ng mga organisasyong magsasaka na nagsasagawa ng imbestigasyon sa iligal na pagdemolis sa Lupang Teresa, Barangay San Roque, San Jose del Monte, Bulacan. Ninakaw pa ng mga maton ang mga gamit at dalang relief goods ng mga mag-iimbestiga. Apat na bahay at mga pananim ang dinemolis noong Enero 26.

Komunidad sa Cagayan, binomba ng militar