Aset na sangkot sa pagpatay kay Ka Juanito Magbanua, napatay sa armadong aksyon ng BHB-South Central Negros
Napatay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Romeo Nanta Command) sa inilunsad nitong armadong aksyon ang intel aset ng 94th IB na si Jomy Pelarta noong Nobyembre 6 ng gabi sa Sityo Sig-ang, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental. Sangkot si Pelarta sa pagpatay sa hors de combat na tagapagsalita ng BHB-Negros Island (Apolinario Gatmaitan Command) na si Ka Juanito Magbanua (Romeo Nanta) noong 2022.
Si Pelarta ang nagturo sa lokasyon ni Ka Juanito sa Sityo Medel. Naka-medical leave noon si Ka Juanito dahil sa kanyang iniindang mga sakit. Bunga nito, nadakip, tinortyur at sadyang pinaslang si Ka Juanito ng militar sa pinalabas na isang armadong engkwentro. Imbwelto rin si Pelarta sa pagpapareyd sa yunit ng BHB ilang araw bago niya ipinadakip si Ka Junaito.
Kapalit ng pagpapagamit sa militar, sinuhulan siya ng mga sundalo ng pera at motor.
Sangkot rin si Pelarta sa dalawang kaso ng panggagahasa. Isa sa kanyang mga biktima ay isang person with disability (PWD). Mayroon din siyang isang kaso ng tangkang panggagahasa.
Ayon sa BHB-South Central Negros, sinsero ang hukbong bayan na pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng aping mamamayan. Bahagi sa pagtatanggol na ito ang armadong aksyon na isinagawa laban kay Pelarta. Dagdag ng yunit, dapat itong magsilbing babala sa lahat ng mga masasamang elemento at kontra-rebolusonaryong pwersa na may krimen sa mamamayan.