Dalawang magsasaka, binantaang pupugutan ng ulo ng 79th IB
Iligal na idinetine ng mga sundalo ng 79th IB ang mga magsasakang sina Rex Lumayno at Eric Opinggo sa Sityo Odiong, Barangay Bandila, Toboso, Negros Occidental. Habang nasa kustodiya ng militar, dinala sila sa malayong lugar at binantaang pupugutan ng ulo. Tatlong oras silang hawak ng mga sundalo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga noong Pebrero 2.
Sina Lumayno at Opinggo ay papunta sa kanilang mga sakahan para asikasuhin ang kanilang mga alagang hayop. Napag-initan at dinakip sila ng nag-ooperasyong mga sundalo.
Samantala, niransak ng mga sundalo ang bahay ni Toto Palay sa parehong barangay kamakailan lamang. Ninakaw ng mga sundalo ang duyan ng kanyang apo dahil pag-aari umano ito ng Bagong Hukbong Bayan. Binantaan pa silang bobombahin ang kanilang bahay. Ilang ulit nang binabalik-balikan ng mga sundalo si Palay sa kanyang bahay. Pinaparatangan siyang mandirigma ng BHB at pinipilit na “sumurender.”
Noong Enero 7, sangkot rin ng parehong yunit ng militar sa panggigipit sa sibilyang si Wendel Pasinabo. Matapos dakpin si Pasinabo, binantaan siyang pupugutan ng ulo gamit ang bolo na kinumpiska sa kanya. Iligal din siyang idinetine ng mga nang mapag-initan habang nagpapastol ng kanyang mga alagang hayop.