Detatsment militar sa Guihulngan City, pinaputukan ng BHB

Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa mga pasistang sundalo ng 62nd IB na nakahimpil sa Casingan Army Detachment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros noong Hulyo 30. Nilapitan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment at saka pinaulanan ng bala pasado ala-6 ng gabi.

Inilunsad ang naturang armadong aksyon sa harap ng focused military operation ng 62nd IB sa mga komunidad sa Guihulngan City at kalapit na mga bayan. Layunin ng operasyon ang bulabugin ang operasyon ng panunupil sa mamamayan ng mga sundalo at idiskaril ang takbo ng kanilang mga operasyong kombat.

Simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 30, ipinakat ang 200 sundalo sa mga barangay ng Trinidad, Luz at Plagatasanon Proper sa Guihulngan City. Naiulat sa panahong ito ang iligal na panghahalughog ng mga sundalo sa kabahayan ng mga residente. Kinampuhan din ng naturang tropa ang Kambairan Elementary School sa Sityo Kambairan sa Barangay Trinidad.

AB: Detatsment militar sa Guihulngan City, pinaputukan ng BHB