Espesyal na operasyon malapit sa sentrong bayan, inilunsad ng BHB-Northern Negros

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros ang isang ripleng .22 at 44 na bala nito, isang pistolang .357 at mga bala mula sa isang kontra-rebolusyonaryong kriminal na kanilang pinarusahan noong Pebrero 13 sa Toboso, Negros Occidental.

Ang mga armas, pati na dalawang selpon at mga papeles ay nasamsam mula kay Allan Macasling, na malaon nang inirereklamo ng mga residente sa mga kaso ng pamamaril, pang-aagaw ng lupa at iba pang krimen. Isinagawa ang pagparusa sa Sityo Banquerohan, Barangay Salamanca sa naturang bayan.

“Malaki ang naging tulong ng masa sa pagpapatupad ng operasyon sa eksteryor na bahagi ng larangang gerilya, malapit sa nasyunal haywey, malapit sa baybay at malapit sa sentro ng bayan,” ayon kay Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng BHB-Northern Negros.

Labis ang naging tulong ng mga residente dahil nais nilang makamtan ang hustisya sa grabeng mga pag-abuso at pandarahas na idinulot niya sa kanila at kanilang kabuhayan.

Samantala, inilinaw ni Ka Cecil na walang kinalaman ang kanilang armadong aksyon sa usapin ng rebolusyonaryong pagbubuwis dahil isang negosyante si Macasling. Nanawagan din siya sa iba pang mga kontra-rebolusyonaryo na itigil na ang kanilang aktibidad at wakasan ang kanilang kontra-mamamayang mga gawi.

AB: Espesyal na operasyon malapit sa sentrong bayan, inilunsad ng BHB-Northern Negros