Gratuity pay, ibigay sa mga manggagawang kaswal ng MMDA

Sinuportahan ng grupong Courage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees) at KALAKON (Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon) ang laban ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipagkaloob sa kanila ang ₱5,000 gratuity pay.

Sa sulat na ipinadala ni Ma. Theresa Gonzales, pangkalahatang kalihim ng KKK-MMDA (Kapisanan para sa Kagalingan ng mga Kawani sa Kalakhang Maynila), sa ahensya noong Enero 27, hiniling ng grupo na ibigay na sa mga kawani ang benepisyong ito para sa mga taong 2021 at 2022.

Ani Gonzales, sang-ayon sa Administrative Order No. 3 at 46, kwalipikado ang mga kawaning may 12 taon, anim na taon at limang taon nang nagtatrabaho sa ahensya para makatanggap ng gratuity pay. Ang panawagan ng grupo ay naka-direkta kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes.

Ang mga kawani at manggagawa ng MMDA ay nangangasiwa sa pagbibigay ng serbisyo sa buong Metro Manila. Ang ahensya ay nasa direktang pangangasiwa ng Office of the President of the Philippines.

AB: Gratuity pay, ibigay sa mga manggagawang kaswal ng MMDA