Balita

Isang komunidad sa Davao City, sinugod ng 100 maton para sa demolisyon

,

Marahas na dinemolis ng higit 100 bayarang maton ang kabahayan sa Dalat, San Roque, Bangkal, Davao City noong Disyembre 21. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-Davao, tatlong residente ang nasugatan sa marahas na paggiba sa mga bahay sa komunidad.

Noong Disyembre 10 unang lumutang ang banta ng demolisyon sa naturang komunidad. Ayon sa mga residente, nagmula sa upisina ni Atty. Elisio Braganza ang banta ng pagpapalayas sa kanila. Sa araw ding iyon, namataan sa komunidad ang mga tauhan ng Davao City Local Government Unit (LGU), sa partikular mula sa City Engineering Office.

“Patuloy na naninindigan ang mga residente ng San Roque, at panawagan ng komunidad na itigil ang intimidasyon at demolisyon,” pahayag ng Kadamay-Davao. Giit nilang igalang ng lokal na gubyerno ang kanilang karapatan sa paninirikan, at bayaran ng karampatang kompensasyon ang apektado ng demolisyon.

AB: Isang komunidad sa Davao City, sinugod ng 100 maton para sa demolisyon