Libu-libong mangingisda, nasalanta ng oil spill sa Aklan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nasa 5,000 mangingisda at kanilang mga pamilya ang napinsalaan sa naganap na oil spill ng isang barge na nakadaong sa Metallica Shipyard sa Barangay Polo, New Washington, Aklan noong Mayo 26.

Nasira ang lalagyan ng krudo ng naturang barge na noo’y kinukumpuni sa daungan. Mabilis na kumalat ang langis mula Barangay Polo tungo sa mga sityo ng Malogo, Kamingawan, Lagatik sa Barangay Poblacion at sa Sityo Kamangahan sa Barangay Tambak. Pininsala nito ang Batan Estuary na kilala bilang mayamang pangisdaan at talabahan. Naganap ang pagtagas ng langis sa kasagsagan ng Bagyong Aghon.

Sa gitna ng sakuna, nanawagan ang Pamalakaya-Panay sa lokal na gubyerno na maglaan ng sapat na kumpensasyon sa mga apektadong mangingisda at magsagawa ng mga hakbang para pigilan ang dagdag pang pinsala sa kabuhayan ng mamamayan at karagatan sa New Washington.

Sa huling mga ulat, pansamantala pa ring ipinagbabawal ang pangingisda sa karagatan malapit sa Metallica Shipyard habang tinanggal na ang fishing ban sa Lagatik River.

AB: Libu-libong mangingisda, nasalanta ng oil spill sa Aklan