Nakiisa ang National Democratic Front (NDF)-Mindoro sa panawagan ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. Anang NDF-Mindoro, apektado ng sakuna ang hindi bababa sa 76 na mga barangay sa siyam na bayan. […]
Tutol ang mga nakatatanda o elder ng Bokod, Benguet sa alok ng SN Aboitiz Power (SNAP) na kumpensasyon para ipagpatuloy ang operasyon ng Binga dam sa kanilang lupang ninuno. Inilinaw nila ang kanilang paninindigan matapos pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ang mga kinatawan ng Itogon at SNAP-Benguet noong Pebrero 28. Ayon sa ulat ng […]
Nanawagan ang grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na papanagutin ang kapitalistang may-ari ng MT Princess Empress sa pinsala sa karagatan bunga ng paglubog nito sa dagat at pagtapon ng karga nitong langis. Naganap ang trahedya ng oil spill noong Pebrero 28 nang nalubog sa dagat na sakop ng […]
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga Masbatenyo, laluna sa mga mamamayan ng Mobo na alisin ang takot at sama-samang labanan ang panibagong atakeng militar sa kanilang bayan. Nagsisilbi ang muling pagsasailalim ng Mobo sa okupasyong militar para bigyang-daan ang pagpapalawak ng operasyon ng dambuhalang minang Filminera – Masbate Gold […]
Nananawagan ang NDFP – Mindoro kasama ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. May kargang 800,000 litrong industriyal na langis o black oil ang barko. Apektado ng sakuna at nagdeklara na ng […]
Makatarungan at nararapat na paigtingin ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pagmimina sa harap ng mga pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte na isulong ito bilang “solusyon” sa bagsak na ekonomya ng Pilipinas matapos ang pandemya. Kaisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng sambayanan para tutulan at pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa rehiyon at buong bansa. […]
Nagprotesta noong Pebrero 28 ang Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), Pamalakaya at iba pang grupo sa harap ng Dusit Thani Hotel sa Makati City para igiit na papanagutin ang mga rehiyon at bansang mayayaman at makapangyarihan na tinaguriang “Global North” na pangunahing pinangagalingan ng matinding polusyon na nagpapalubha sa climate change. Itinaon ang […]
Mariing kinukundena ng masang Masbatenyo at rebolusyonaryong kilusan sa Masbate ang kawalan ng aksyon ng LGU Masbate sa nagpapatuloy na pagmimina ng Filminera – Masbate Gold Project sa bayan ng Aroroy. Sa halip, binabalak ng mga lokal na upisyal kasabwat ang AFP at PNP sa dikta ng rehimeng US-Marcos na pahintulutan ang dayuhang kumpanyang Filminera […]
Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga pambansang minorya at demokratikong grupong bahagi ng Network Opposed to Kaliwa, Kanan, Laiban Dams (No to KKLD) sa Metro Manila noong Pebrero 20 para paigtingin ang panawagang itigil ang mapanirang proyektong Kaliwa Dam sa Sierra Madre. Nagprotesta sila sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), House […]
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto […]