Archive of AB Dailies

Ehersisyong militar na “Kasangga” ng Australia at Pilipinas, inilunsad
May 15, 2023

Inilunsad ngayong araw ng mga tropang militar ng Australia at Pilipinas ang Exercise Kasangga sa Camp Capinpin, ang 6-linggong pagsasanay militar sa Tanay, Rizal. Kasunod ito ng katatapos lamang na Balikatan 2023 at Cope Thunder sa pagitan ng imperyalistang US at tropang militar ng Pilipinas. Nasa 114 tropa ng Philippine Army at 43 tropa ng […]

Magsasaka sa Kabankalan city, dinakip ng 94th IB
May 14, 2023

Dinakip ng mga sundalo ng 94th IB ang magsasakang si Allan Ramos sa Sitio Dangalon, Barangay Hilamonan, Kabankalan city noong Mayo 11 ng hapon. Pinalalabas ng militar na naaresto si Ramos matapos ang isang engkwentro sa pagitan nila at yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon sa ulat mismo ng mga residente, walang engkwentrong naganap […]

Warrant of Arrest laban sa “Northern Luzon 7,” ipinawalambisa
May 14, 2023

Ipinawalambisa ng Bangued Regional Trial Court Branch 2 ang mga warrant of arrest na inilabas laban sa tinaguriang “Northern Luzon 7” na kinabibilangan ng mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo na sinampahan ng kasong rebelyon noong Enero. Inilabas ng korte ang desisyon noong Mayo 11 na nagsasabing hindi naman pinangalanan ng mga […]

Pagtatalaga kay Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-Elcac, malawakang binatikos
May 13, 2023

Kabi-kabilang batikos ang inabot ni Sara Duterte matapos italaga siya ng mga alipures ng kanyang ama bilang co-vice chairperson ng korap at pasistang National Task Force-Elcac. Bwelta ng ACT Teachers party-list, tiba-tiba na naman si Duterte dahil kokopoin niya ang bilyun-bilyong condifdential at intelligence fund sa pagkakatalaga niya sa ahensya. “Sa pagkakatalaga niya…magkakaroon siya ng […]

Ikalawang kaso sa droga ni de Lima, ibinasura ng korte
May 12, 2023

Ibinasura ngayong araw ng isang korte sa Muntinlupa City ang ikalawang kaso sa droga na isinampa laban kay dating senador Leila de Lima. Noong 2022 pa binawi ng pangunahing witness laban kay de Lima sa naturang kaso ang mga testimonya. Si de Lima ay inakusahang tumanggap ng ₱10 milyon sa naturang kaso mula sa dating […]

Nakatakdang “ROTC games” sa isang kampus sa Visayas, binatikos
May 11, 2023

Kinundena ng mga kabataan ang pinaplanong paglulunsad ng isang palaro sa hanay ng mga kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Visayas sa susunod na dalawang buwan. Inianunsyo ang naturang aktibidad noong Mayo 5 sa isang pagtitipon sa kampus ng Cebu Technological University (CTU) sa Cebu City kung saan dumalo ang mga sundalo ng […]

CIDG, nasa likod ng pagdukot sa Taytay 2
May 11, 2023

Napag-alaman ng mga grupong naghahanap sa Taytay 2 o kina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus, pawang mga tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo sa Cordillera, na ang mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa likod ng pagdukot sa kanila noong Abril 28 ng gabi sa Golden City, SM Hypermarket […]

Moratoryum sa bagong mga proyektong reklamasyon, ipinag-utos
May 10, 2023

Pansamantalang ititigil ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang pagtanggap ng bagong mga aplikasyon para sa mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay at iba pang bahagi ng bansa. Inamin ng ahensya na ang pagtigil ay bunga ng mariin at malawak na pagtutol ng mga organisasyong pangkalikasan, apektadong komunidad at mga eksperto laban dito. Kasunod ito sa […]

Pasalubong ni Marcos mula sa US: Mas mahigpit ng ugnayang neokolonyal
May 10, 2023

Kabi-kabila ang mga pangakong “pakikipagtulungan” at pamumuhunan ang inuwi ni Ferdinand Marcos Jr mula sa kanyang pangalawang byahe sa US. Buong ipinagmamalaki niya ang mga nalimos niyang luma at bagong “bentahe, “mula sa mga armas at gamit pandigma, pagbabahagianan ng inteledyens, kapital at pamumuhunan, puhunan sa edukasyon hanggang sa programa sa pangangalaga ng hayop (veterinary). […]

Pagtatagpong Biden-Marcos, rehabilitasyon ng pamilya ng diktador sa US
May 10, 2023

Noong dekada 1980, isa ang noo’y senador na si Joseph Biden sa pinakamaingay na kritiko ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr at ang tagasuporta nito sa US na administrasyong Reagan. Pero hindi nagmula ang kanyang pagtutol sa diktadura sa pagsisimpatya sa mamamayang Pilipino kundi sa alanganing kalagayan ng noo’y mga base militar ng US […]