Archive of AB Dailies

Boluntir na guro ng mga Lumad, pinarangalan sa Ireland
May 29, 2023

Tumanggap ng parangal sa 2023 Frontline Defenders Award ang guro ng mga Lumad at tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo na si Teacher Jeany ‘Rose’ Hayahay noong Mayo 26 sa Dublin, Ireland. Ginawaran siya ng Award for Human Rights Defenders at Risk para sa rehiyong Asia-Pacific. Si Hayahay ay kinilala sa kanyang matikas na pagtindig […]

Limos na programang ‘food stamp’ ni Marcos Jr, insulto sa anakpawis
May 29, 2023

Insulto sa masang anakpawis ang limos na programang ‘food stamp’ na nais ipatupad ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Bigyan naman natin ng dignidad ang ating mamamayan. Nagugutom na nga ang karamihan, ituturing pang parang pulubing namamalimos ng pagkain,” pahayag ng grupo. Inianunsyo kamakailan ni Marcos Jr ang planong […]

Sertipikasyong “kagyat” ng panukalang MIF, di dapat sundin
May 28, 2023

“Di konstitusyunal” ang hakbangin ni Ferdinand Marcos Jr na sertipikahang “urgent” ang panukalang Maharlika Investment Fund, ayon kina Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna at Sen. Koko Pimentel. Sa gayon, hindi dapat sundin ng mga senador ang atas ni Marcos na ipasa ito bago magsara ang regular na sesyon ng Senado. Ayon kay Atty. Colmenares, […]

Mga manggagawa sa Paperland Inc, nakatakdang magwelga
May 28, 2023

Naghapag ng notice of strike (NoS) ang mga manggagawa ng Paperland Inc noong Mayo 26 matapos ma-deadlock ang negosasyon para sa collective bargaining agreement nito para sa taong 2022-2025. Nagpasyang magwelga ang mga manggagawa matapos tanggihan ng maneydsment ang lahat ng hinihinging dagdag na probisyon sa ekonomya at pulitika sa binubuong CBA. Panawagan ng mga […]

Aberyang dala ng Ungka Flyover, pinaiimbestigahan
May 28, 2023

Nagpiket noong Mayo 24 sa harap ng Ungka Flyover sa Barangay Pavia, Iloilo ang iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Bayan-Panay kasama ang mga manggagawa, sektor ng transportasyon, mga taong simbahan, at mga propesyunal upang ipanawagan ang imbestigasyon at pagpapanagot sa likod ng palpak at maanomalyang konstruksyon ng kalsada. Mahigit dalawang buwan lamang nagamit […]

Mga akusasyon ng AFP kontra sa mga Lumad sa Davao, ibinasura ng korte
May 28, 2023

Nakalaya noong Biyernes, Mayo 26, ang magkapatid na Lumad na sina Ismael Pangadas at Mawing Pangadas, at ang mga boluntir na guro sa paaralang Lumad na sina Lerna Laiwan Diagone, Jeffrey Diagone at development worker na si Elenita Elmino matapos silang ipawalang-sala sa gawa-gawang kasong human trafficking na isinampa laban sa kanila. Nakulong ang lima […]

Protesta kontra-gera at AUKUS, inilunsad sa Sydney
May 28, 2023

Nagmartsa ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Sydney Anti-AUKUS Coalition (SAAC) sa Sydney, Australia noong Mayo 24 para kundenahin ang militaristang koalisyong AUKUS (Australia, United Kingdom, at United States) at Quad (Australia, India, Japan at United States), at ang pag-uudyok ng mga ito ng gera laban sa China. Ang kilos-protesta ay isinagawa matapos magpulong […]

Panukalang MIF sa Senado, para sa korapsyon at kroniyismo
May 27, 2023

Nakatakdang paspasang pagtibayin sa Senado ang panukala para sa pagbubuo ng Maharlika Investment Fund bago ang pagsasara ng regular na sesyon nito ngayong Mayo. Sa kabila ito ng mariing pagtutol ng maraming sektor sa paggamit ng estado sa bilyun-bilyong pondo ng bayan at pagkonsentra nito sa kamay ni Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga kasapakat […]

Hustisya at “kambalingan,” panawagan sa ika-6 taong anibersaryo ng Marawi Siege
May 27, 2023

Nagmartsa sa loob ng Marawi City ang mga bakwit at grupong Maranao sa ika-6 na taong anibersaryo ng pananalakay ng AFP sa syudad noong Mayo 23. Isinagawa nila ang “Solemn Walk for Justice and Peace” para patuloy na igiit ang hustisya at pagbabalik nila sa kanilang syudad. Panawagan nila ang kambalingan (homecoming) na ligtas at […]

Piket kontra-kwari sa Silay City, isinagawa ng mga magsasaka
May 26, 2023

Nagpiket sa harap ng Provincial Environment Management Office (PEMO) sa Bacolod City ang mga magsasaka ng Silay City noong Mayo 19 para ipanawagan ang pagpapahinto sa mga operasyong kwari na nangyayari sa kanilang syudad. Ayon sa mga magsasakang kinatawan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, wala pa ring aksyon ang lokal na gubyerno sa mapaminsalang operasyong […]