Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagbuwag sa NTF-Elcac, inirekomenda ng upisyal ng United Nations
November 18, 2023

Inirekomenda ng isang special rapporteur (upisyal na tagapag-ulat) ng United Nations ang pagbuwag sa mapanupil na National Task Force-Elcac na tinawag nitong “nag-ooperasyon nang walang pakundangan” sa bansa. Dumating si Special Rapporteur Ian Fry sa bansa noong Nobyembre 6 para sa isang-linggong imbestigasyon at pag-usisa sa kalagayan ng pagbabago sa klima at karapatang-tao. Sa pahayag […]

Tatlong araw na pambansang tigil-pasada, ikakasa ng mga drayber at opereytor
November 17, 2023

Inianunsyo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) noong Nobyembre 15 ang paglulunsad ng tatlong araw na pambansang tigil-pasada sa darating na Nobyembre 20-22 para igiit ang pagbabasura sa programang PUV modernization na magreresulta sa pag-“phaseout” sa mga sasakyang jeep. Naghahanda na sa tigil-pasada ang mga samahan sa ilalim ng Piston, […]

19 taon matapos ang masaker sa Hacienda Luisita, wala pa ring hustisya
November 17, 2023

Nagprotesta ang mga magsasaka at manggagawang-bukid sa Department of Agrarian Reform kahapon, Nobyembre 16, upang gunitain ang ika-19 na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre. Sa pangunguna ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), ipinanawagan nila ang hustisya para sa pitong manggagawang-bukid na napaslang at ang pamamahagi ng lupa sa mga magbubukid. Inalala nila […]

Panunulsol ng US ng henosidyo ng Israel at gera sa Asia, binatikos sa rali sa US Embassy
November 17, 2023

Nagrali sa mismong tapat ng US embassy sa Maynila noong Nobyembre 14 ang daan-daang indibidwal na pinamunuan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para kundenahin ang papel ng US sa henosidyo ng papet nitong Zionistang rehimen sa Israel laban sa mamamayang Palestino. Hinarang at tinangkang buwagin ng mga pulis ang martsa bago makarating sa embahada. Anim […]

Rodrigo Duterte, pinahahaharap sa korte para sa kasong malalang pagbabanta
November 16, 2023

Ipinatatawag ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City si dating pangulong Rodrigo Duterte para sagutin ang reklamong malalang pagbabanta na isinampa sa kanya ni ACT Teachers Rep. France Castro. Inilabas ng korte ang kautusan kahapon, Nobyembre 15. Pinahaharap si Duterte sa korte sa Disyembre 4 at 11 para sa paunang imbestigasyon sa kaso. […]

Makupad at baryang dagdag-sahod sa 3 rehiyon, binatikos
November 16, 2023

Binweltahan ng Kilusang Mayo Uno kahapon, Nobyembre 15, ang inilabas na kautusan ng mga regional wage board sa Bicol, Cordillera at Eastern Visayas na ₱30 kada araw na umento sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa naturang rehiyon. Bago ang baryang dagdag, nasa ₱400 lamang ang arawang minimum sa Cordillera, ₱365 sa Bicol at […]

US, may natatanging pananagutang kriminal sa pang-aatake sa ospital sa Gaza
November 16, 2023

Direktang sinisingil ng grupong Hamas ang krimen ng US at ang presidente nitong si Joseph Biden, kasama ang Zionistang Israel, sa pag-atake sa al-Shifa Medical Complex, ang pinakamalaking pagamutan sa Gaza noong Nobyembre 11. “Ang pag-uulit ng White House at ng Pentagon sa bulaang pahayag ng mananakop (Israel) na ginagamit ang al-Shifa medical complex ng […]

Lider-kabataan sa Bulacan, ginigipit ng militar
November 16, 2023

Pinuntahan ng anim na sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bahay ng lider-kabataan ng Anakbayan-Bulacan na si Kristel Asilom noong Nobyembre 11 upang siya’y sindakin at gipitin. Hinanap si Asilom sa kanyang tiyuhin para “pangaralan,” patigilin sa pakikialam niya sa mga isyung panlipunan at paalisin sa progresibong kilusan. Ipinakita pa ng mga […]

Panggigipit ng estado sa mga magsasaka sa Hacienda Tinang, binibigo
November 15, 2023

Nananatiling matatag ang paninindigan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac at ang kanilang samahang Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) sa harap ng sunud-sunod na panggigipit sa kanila ng mga pwersa ng estado. Nagprotesta sila sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City noong Nobyembre 13 para batikusin ang maruruming […]

4 na armas, granada, nakumpiska ng BHB-Sultan Kudarat sa operasyong dis-arma
November 15, 2023

Dinis-armahan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang despotiko at ahente ng 57th IB na si Junior Martinez sa Sityo Badiangan, Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat noong Nobyembre 13, alas-5 ng umaga. Nakumpiska sa kanya ang isang M16, isang shotgun, dalawang pistola, isang hand grenade, at isang radyong VHF. Ginagamit ni […]