Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

2 magsasaka, inaresto ng militar at pulis sa Himamaylan City
November 11, 2023

Dinakip at ikinulong ng mga sundalo ng 94th IB at lokal na pulis ang dalawang sibilyan noong Nobyembre 8 sa Sityo Pisok, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental. Pinalalabas ng militar na ang naturang mga sibilyan ay mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nadakip diumano matapos ang isang engkwentro sa lugar. Sa pahayag […]

Pagbabalita sa Palestine ng Western media, pinuna dahil "biased" at "tumutulong" sa henosidyo
November 11, 2023

Mariing kinundena ng mga mamamahayag sa Palestine ang “di prinsipyadong pagbabalita” ng mga mamamahayag ng Western midya (mga monopolyo kumpanya sa midya na pag-aaari ng malalaking kapitalista sa US at Europe) kaugnay sa pambobomba ng Israel sa Gaza. Sa isang pahayag noong nakaraang linggo, sinabi ng Palestinian Journalists’ Syndicate na ilan sa mga pagbabalitang ito […]

Protesta laban sa war game ng US, isinagawa ng kabataan
November 10, 2023

Nagprotesta noong Nobyembre 9 ang mga kabataan sa harap ng embahada ng US sa Maynila para batikusin ang pagsisimula ng Kamandag war games na lalahukan ng mga pwersang militar ng US, Japan, South Korea, at Pilipinas. Pinamunuan ang naturang pagkilos ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS). Marahas na binuwag ng mga pulis ang […]

"Oplan-sabog" ng BHB-Camarines Norte, layong isiwalat ang pang-aabuso ng 9th IB
November 10, 2023

Nagsagawa ng tinawag nitong “oplan-sabog” o pagsabwag ng mga polyeto ang rebolusyonaryong kilusan sa Camarines Norte noong Nobyembre 2 sa dalawang mayor na bayan sa prubinsya. Ayon sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Camarines Norte, isinagawa ang pagpapalaganap ng mga polyeto sa Jose Panganiban at Paracale para isiwalat ang mga krimen ng 9th IB laban sa mamamayan […]

Manggagawa sa mundo, kumikilos para harangin ang suportang militar sa Israel
November 10, 2023

Hinarang ng mga manggagawa at aktibistang Amerikano ang pagdaong noong Nobyembre 3 ng isang barko sa Oakland, Oregon sa US matapos nilang mapag-alamang papunta ito sa Tacoma, New Washington para magkarga ng mga armas patungong Israel. Ang pagkilos ay tugon sa panawagan ng mga manggagawa ng Palestine sa kapwa nila manggagawa sa buong mundo na […]

Girian sa loob ng naghaharing alyansa, tumatalim
November 09, 2023

Walang kaabog-abog na tinanggal sa pwesto bilang deputy speaker ng Kongreso si Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 7 matapos na tumanggi siyang magpahayag ng katapatan kay House Speaker Martin Romualdez. Kasabay niyang tinanggal ang kapwa niya deputy speaker na si Rep. Isidro Ungab, kinatawan ng ikatlong distrito ng Davao City. Pareho hindi pumirma si Arroyo at […]

Pagbaba ng implasyon, walang epekto sa sahod at kita ng mamamayan
November 09, 2023

Bumaba ang tantos ng implasyon tungong 4.9% noong Oktubre, kumpara sa 6.1% noong Setyembre. Gayunpaman, wala itong epekto sa sahod ng mga manggagawa na nananatiling mas mababa sa pamantayan ng kahirapan (poverty line) dulot pambabarat ng kapitalista at pagtanggi ng reaksyunaryong estado na dagdagan ito ng makabuluhang halaga. Nananatiling mataas ang presyo ng pagkain, sa […]

2.3 milyong trabaho, nawala noong Setyembre
November 09, 2023

Umaabot sa 2.3 milyong trabaho ang naitalang nawala noong Setyembre, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon, Nobyembre 8. Pinakamarami ang nalagas sa sektor ng pagmamanupaktura (888,000) kasunod sa wholesale at retail trade (722,000) at agrikultura at pangisda (649,000). Dagdag sa mga nawalang trabaho ang 358,000 na inilaglag sa pwersa […]

Petron Philippines, tumabo ng ₱9.5 bilyon sa loob ng 9 na buwan
November 09, 2023

Sa gitna ng halos lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, tumabo ang kumpanyang Petron Philippines ng ₱9.5 bilyon sa unang siyam na buwan pa lamang ng taon. Mas mataas ito nang 16% kumpara sa kita ng kumpanya noong nakaraang taon. Sinusuplay ng Petron ang sangkatlo ng pangkabuuang pangangailangan ng produktong petrolyo ng bansa at 78% […]

Bantang demolisyon sa San Roque sa Quezon City, tinututulan
November 08, 2023

Tutol ang mga residente sa planong demolisyon at pagpapalayas sa mga residente ng Area H, Sityo San Roque sa Quezon City na sumasaklaw sa kahabaan ng Agham Road. Sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-San Roque, sumulat ang mga residente sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Housing Authority (NHA), lokal na […]