Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Grupo ng kababaihang magsasaka, di bilib sa mga pahayag ni Marcos sa liberalisasyon at presyo ng bilihan ng bigas
September 30, 2023

Tinawag ng grupo ng kababaihang magsasaka na Amihan na “hindi kapuri-puri” ang desisyon ni Ferdinand Marcos Jr na tanggihan ang rekomendasyon ng mga upisyal ng estado na ibaba kundiman tanggalin ang taripa sa imported na bigas. “Hindi kapuri-puri si Marcos Jr dahil ang nagtulak ng zero tariff ay mga appointees n’ya, alter-ego niya sa mga […]

Dagdag-sahod sa Central Luzon, kulang na kulang
September 30, 2023

Tinawag ng mga manggagawa sa Central Luzon na “batay sa salamangka” ang iginawad na dagdag-sahod ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region III (RTWPB III) noong Setyembre 28. Nakasaad sa inilabas ng ahensya na Wage Order No. RBIII-24 ang kakarampot na ₱40 na dagdag sa kasalukuyang ₱460 arawang minimum sa mga empresang may 20 […]

Niratsadang panukalang badyet sa pasismo at kurapsyon, binatikos ng kabataan
September 30, 2023

Naglunsad ng koordinadong protesta ang mga estudyante sa pitong pribado at pampublikong unibersidad sa Metro Manila noong Setyembre 29 para batikusin ang batbat sa korapsyon at niratsadang panukalang badyet para sa 2024. Sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon tulad ng League of Filipino Students, ipinabatid nila ang pagkabahala sa napakalaking pondo para sa confidential at […]

Dinukot ng miilitar na mga tagapagtanggol ng kalikasan, dumulog ng proteksyon sa Korte Suprema
September 30, 2023

Naghain ng petisyon noong Setyembre 28 para sa “writ of amparo” at “habeas data” sa Korte Suprema ang mga abugado nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang tagapagtanggol ng kalikasan na nakalaya mula sa pagdukot at iligal na detensyon ng 70th IB. Humingi din ang sila ng pansamantalang proteksyon para sa dalawang aktibista at […]

Panukalang badyet sa 2024 ng rehimeng Marcos, iniratsada
September 29, 2023

Isinagasa sa House of Representatives noong Setyembre 27 ng gabi ang General Appropriations Bill o panukalang pambansang badyet para sa 2024. Sa kontrol ng rehimeng Marcos Jr sa supermayorya ng kapulungan, 296 ang bumoto pabor sa panukala, habang ang tatlong kinatawan ng blokeng Makabayan ang tanging tumutol dito. Dahil sa padedeklara ni Marcos Jr sa […]

46 bala ng kanyon, pinasabog ng AFP sa mga kabundukan ng Masbate
September 29, 2023

Malaking gambala ang idinulot ng dalawang araw na pambobomba ng 2nd IB at 5th Field Artillery Battalion sa mga bundok ng Bagulayag, Uac at Irong-irong sa saklaw ng bayan ng Uson, Mobo at Milagros sa Masbate. Hindi bababa sa 46 ulit na kinanyon ng AFP ang lugar noong Setyembre 23-24. Sa ulat ng Pambansang Katipunan […]

Sektor ng edukasyon, nagkaisa para isulong ang dagdag-sweldo
September 29, 2023

Nagtipon ang mga guro, edukador, estudyante at suportang personel ng mga pribado at pampublikong eskwelahan noong Setyembre 23 para itatag ang Education Workers’ Alliance for Greater and Equitable Salaries (Educ WAGES) para isulong ang makabuluhang dagdag sweldo para sa lahat ng mga manggagawa sa sektor ng edukasyon. Isinagawa ang aktibidad sa University of the Philippines […]

NGO, lider-manggagawa sa Cebu, ginigipit sa kasong "terorismo"
September 28, 2023

Mariing kinundena ng Community Empowerment Resource Network (CERNET), Inc., isang non-governmental organization na nakabase sa Central Visayas, ang panggigipit ng estado sa mga tauhan at kaugnayan nitong organisasyon. Noong Agosto, nakatanggap ang NGO ng subpoena (pagpapatawag) mula sa Department of Justice kaugnay sa kaso ng “terrorist financing” ng 27 indibidwal na mga dati at kasalukuyan […]

Mga manggagawa sa Cebu, ginigipit gamit ang EO 23
September 28, 2023

Ibinalita ng AMA Sugbo-KMU noong Setyembre 25 ang dalawang beses na panggigipit ng mga pulis sa kanilang mga kasapi sa ngalan ng Executive Order 23 (EO 23). Binuo ng kautusang ito ang Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers, ang huwad na tugon ng rehimeng Marcos […]

Reaksyunaryong sistemang hustisya, di epektibo sa pagresolba sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao
September 28, 2023

Kinundena kamakailan ng grupo sa karapatang-tao ang sunud-sunod na mga desisyon ng Ombudsman at Court of Appeals kaugnay sa mga kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ayon sa grupong Karapatan, ang “nakababahala” na padron ng mga desisyong ito ay nagpapatunay sa kainutilan o kawalan ng mga mekanismo para harapin ang papalalang kalagayan sa karapatang-tao sa […]