Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

US, nagpadala ng ipinagbabawal na cluster bombs sa Ukraine
July 16, 2023

Dumating na sa Ukraine noong Hulyo 13 ang ipinagbabawal na cluster bombs na naunang ipinangakong ibibigay ng US. Unang inanunsyo ang intensyon ng US na bigyan ang Ukraine ng gayong mga armas noong Hulyo 7, sa isang hakbang na taliwas sa unang mga pahayag ng presidente nitong si Joseph Biden. Ang mga cluster bomb ay […]

Mga artista at manggagawa sa Hollywood, nagwelga
July 15, 2023

Ikinasa ng mga manggagawa ng Hollywood, katawagan sa industriya ng entertainmet sa US, ang kanilang welga noong Hulyo 14 matapos ang ilang buwang negosasyon sa malalaking kumpanya na kinakatawan ng Alliance of Motion Picture and Television Producers (AMPTP). Ang mga aktor at iba pang manggagawa ay bahagi ng Screen Actors Guild – American Federation of […]

Barikada sa Valenzuela, marahas na dinemolish ng kapulisan
July 14, 2023

Marahas na denimolis ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela ang mahigit-kumulang 400 kabahayan sa Block 6 sa Barangay Veinte Reales noong Miyerkules, Hulyo 12. Sugatan ang ilang residente at kanilang mga tagasuporta. Pinagtangkaan pang dakipin kahit ang midya at kabataan na nagdodokumento ng barikada. Ayon sa ulat ng mga […]

Konstruksyon ng coastal road sa Sorsogon, pinaiimbestigahan ng mga mangingisda
July 14, 2023

Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) kahapon, Hulyo 13, ng imbestigasyon sa konstruksyon ng coastal road sa Gubat, Sorsogon dahil sa lumilitaw na paggamit umano ng mga patay na koral sa pagtatayo nito. Bago pa nito, nauna nang ipinanawagan ng Save Gubat Bay Movement ang pagpapahinto sa proyekto at kaakibat nitong […]

Hustisya, sigaw ng mga migranteng biktima ng iligal na rekrutment
July 14, 2023

Nagprotesta kahapon, Hulyo 13, ang mga biktima ng iligal na rekrutment sa upisina ng Department of Migrant Workers (DMW) at National Bureau of Investigation (NBI) kasabay ng paghahain ng reklamo kaugnay ng mga pang-aabusong dinanas nila. Kasama nila sa pagprotesta ang mga lider ng Migrante International. Nagsampa ng kaso ang mga biktima ng malawakang iligal […]

Pulis at militar, inutusan ng korte na ilitaw ang 2 dinukot na aktibista
July 14, 2023

Matapos magsampa ang mga kaanak ng mga aktibista sa Cordillera na sina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil De Jesus ng writ of habeas corpus (o paglilitaw para iharap sa korte) sa Court of Appeals noong Huly 5, inatasan ng korte ang mga kumander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police […]

Kawalang-aksyon ni Marcos sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, binatikos
July 13, 2023

Sa ika-7 taon ng arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kaugnay sa pag-aari ng Pilipinas sa mga teritoryong dagat nito sa West Philippine Sea, nagprotesta ang mga mangingisda at binatikos ang inutil na aksyon ng rehimeng Marcos Jr sa paggigiit ng karapatan ng Pilipinas sa naturang karagatan. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang […]

Operasyong haras at demolisyon, isinagawa ng BHB-Sorsogon
July 13, 2023

Naglunsad ng operasyong harasment at demolisyon ang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon noong Hulyo 6 at Hulyo 10. Ayon sa yunit, layon ng naturang mga opensiba na palayasin ang mga sundalo na nagkakampo sa sentro ng mga barangay. Una sa mga opensiba ang pag-atake ng BHB laban sa mga sundalo ng 22nd […]

Koalisyon laban sa APEC Summit sa Nobyembre, itinatag sa US
July 13, 2023

Pinangunahan ng mga myembro ng International League of Peoples’ Struggle at No to APEC Coalition ang isang martsa mula sa harap ng city hall patungo sa federal building sa San Francisco City sa US noong Hulyo 11 bilang protesta sa nagaganap na panlimang pagpupulong para sa Indo-Pacific Economic Framework na kasalukuyang ginaganap sa Busan, South […]

Pagtatalagang "terorista" sa anim na indibidwal, kinundena
July 13, 2023

Kinundena ng iba’t ibang grupo at organisasyon ang Anti-Terrorism Council (ATC) sa arbitraryong pagtatalaga nito sa anim na indibidwal bilang mga “terorista.” Inianunsyo ang designasyon noong Hulyo 10. Muling ipinanawagan ng mga grupo ang pagbabasura sa ATL sa kanilang protesta sa Commission on Human Rights noong Hulyo 11. Ang ATC ay konsehong binuo alinsunod sa […]