Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Trabahante sa konstruksyon, pinatay ng militar sa Masbate
June 23, 2023

Pinagbabaril at napatay ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Randy Dionan Mahinay sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros noong Hunyo 21 ng umaga habang nagtatrabaho sa konstruksyon ng kalsada sa lugar. Naulila ni Mahinay ang kanyang asawa at mga anak. Pinatay ng militar si Mahinay dahil idinadawit siya sa […]

Kapitan ng barangay na tutol sa Filminera-Masbate Gold Project, tinangkang patayin ng AFP
June 23, 2023

Tinangkang patayin ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Rudolfo Ygot sa kanyang bahay sa Barangay Barag, Mobo, Masbate noong Hunyo 18. Ang 41-anyos na si Ygot ay kapitan ng naturang barangay at lubos na tumututol sa pagpapalawak ng Filminera-Masbate Gold Project sa kanilang komunidad. Nakatakdang saklawin ng ekspansyon ng pagmimina […]

Deklarasyong “insurgency-free” sa Quezon, para sa mga mapandambong na proyekto
June 23, 2023

Pinabulaanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Quezon ang deklarasyon kamakailan ng lokal na gubyerno ng Quezon na “insurgency-free” o wala na ang rebolusyonaryong kilusan sa buong prubinsya. Ani Eliza ‘Ka Eli’ dela Guerra, tagapagsalita ng BHB-North Quezon, ang deklarasyong ito ay para lamang bigyang daan ang mapanira at mapandambong na mga proyekto sa prubinsya. Pinatunayan […]

Apat na magbubukid na tutol sa Naga Airport Development, inaresto
June 23, 2023

Inaresto noong Hunyo 19 ng mga pwersa ng estado ang apat na magsasaka sa Sityo Caorasan, Barangay San Agustin, Pili, Camarines Sur sa gawa-gawang mga kaso. Ayon sa ulat ng Kilusang Magbubukid ng Bicol (KMB), dinakip ang apat dahil sa kanilang pagtutol sa proyektong Naga Airport Development na peperwisyo sa kanilang komunidad. Kabilang sa mga […]

Kaso laban sa suporter ng magsasaka sa Bohol, ibinasura
June 23, 2023

Ibinasura noong Hunyo 21 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 101 sa Talibon, Bohol ang mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives laban sa dating koordineytor ng Farmers Development Center (FARDEC) na si Carmilo Tabada. Ayon sa korte, kulang ang ebidensya para ituloy ang kaso. Si Tabada, kagawad sa […]

2 backhoe, pinaralisa ng BHB sa Himamaylan City
June 23, 2023

Pinaralisa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros noong Hunyo 14 ang dalawang backhoe sa Sityo Bulod, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental na ginagamit sa konstruksyon ng Himamaylan-Tayasan Road na magbibigay-daan sa malalaking kumpanyang mina na gustong pumasok sa kabundukan ng Cansermon, Tahod-Ilahas, Cambantog at kalapit na mga lugar. Ang […]

Mga tsuper at opereytor, nagpiket sa LTFRB
June 22, 2023

Nagtungo ang maliliit na tsuper at opereytor ng dyip sa upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office sa Quezon City noong Lunes, Hunyo 19, upang muling igiit ang pagbabasura sa kontra-mahirap na Omnibus Franchising Guidelines na salalayan ng jeepney phaseout ng gubyerno. Inilabas ang naturang atas ng LTFRB noong 2017. Iginigiit […]

Red-tagging seminar sa MSU-IIT, kinundena
June 22, 2023

Binweltahan ng mga estudyante ng Mindanao State University, kampus ng Iligan Institute of Technology, sa pangunguna ng STAND-IIT ang isinigawang seminar ng NTF-Elcac na naghasik ng takot at nandawit ng mga ligal na organisasyon at personalidad sa rebolusyonaryong kilusang lihim noong Hunyo 18. Ayon sa pahayag ng STAND-IIT, dinaluhan ng mga upisyal ng TAC-O, isang […]

Isda sa Cavite, apektado ng dredging
June 21, 2023

Bumagsak nang 80% ang huling isda ng grupong Pamalakaya at mga mangingisda mula nang simulan ang mga proyektong reklamasyon sa Cavite noong 2021. Noong nakaraang linggo, napuna nila ang paglutang ng flounder fish, kilala sa lugar bilang isdang dapa o tampal-puke. Anila, nataboy ang mga isdang ito sa mula sa paninirahan nito sa sea floor […]

Unyon ng CENECO, magwewelga kontra pribatisasyon
June 21, 2023

Naghain ng Notice of Strike noong Hunyo 19 sa National Conciliation and Mediation Board ang CENECO Union of Rationale Employees (CURE) para labanan ang pagpapatupad ng pinirmahang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Electric Holdings Inc at Central Negros Electric Cooperative (CENECO). Anila, isasapanganib ng kasunduang ito ang trabaho ng mga empleyado at […]