Archive of AB Dailies

Ka Joma, pinarangalan ng mga rebolusyonaryo at progresibong grupo sa Greece
February 14, 2023

Nagdaos ng isang pagtitipon ang mga progresibong organisasyon at indibidwal sa Greece para parangalan si Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 11. Isinagawa ang pagtitipon sa syudad ng Athens. Inorganisa ito ng Communist Organization of Greece (KOE) katuwang ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), at Road of the Left, pahayagang may kaugnayan sa […]

17 anyos, pinatay ng 9th ID sa "pekeng engkwentro"
February 14, 2023

Pinagbabaril at napatay ng mga tropa ng 9th ID ang 17 anyos na sibilyang si Argie Salvador sa Sityo Sapang Bato, Barangay Canapawan, Labo, Camarines Norte noong Pebrero 11, ala-1:40 ng hapon. Pinalalabas ni Major General Adonis Bajao ng 9th ID na napatay si Salvador sa isang engkwentro ng tropa nito at ng Bagong Hukbong […]

Protesta kontra EDCA, base militar ng US sa Pilipinas, idinaos sa US
February 14, 2023

Nagprotesta ang mga migranteng Pilipino, kaisa ng mamamayang Amerikano sa Times Square, Midtown Manhattan, New York City noong Pebrero 11 para kundenahin ang pagpapalawak militar ng US sa buong mundo at pagbabase ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas sa tabing ng tagibang na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Nagtipon ang mga grupo sa lugar kasabay […]

Tanggalan sa Nexperia, tinutulan
February 14, 2023

Tinutulan ng Nexperia Workers Union-NAFLU KMU ang napipintong tanggalan sa isang departamento ng kumpanya ngayong taon. Nakatakdang isara ng Nexperia Philippines ang Sensors Deparment nito at ililipat sa ibang site dahil “nagpull-out” diumano ang negosyo nito sa kumpanya. “Paano makakabangon ang mga manggagawa sa kahirapan kung tatanggalan (sila) ng kabuhayan?” tanong ng unyon. “Hindi solusyon […]

Ilang senador, tutol sa cha-cha
February 14, 2023

Tatlong senador ang direktang kumontra sa inihapag na resolusyon sa Senado para baguhin ang Konstitusyong 1987. “Hindi kailangan sa ngayon ang charter change (cha-cha)” ayon kina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at mga senador na sina Grace Poe at Nancy Binay sa kanilang mga pahayag noong Pebrero 9. Anila, abala ang mamamayan sa kanilang […]

Lualhati Bautista, 77
February 14, 2023

Pumanaw noong Linggo, Pebrero 12, ang bantog na nobelistang si Lualhati Bautista. Siya ay 77. Pinakanakilala si Bautista sa nobelang “Dekada `70.” Malawak rin na nakilala ang iba niyang akda tulad ng “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?” at “Desaparesidos.” Aktibong lumahok si Bautista sa paglaban sa diktadurang Marcos Sr. Ang asawa niya ay naging bilanggong […]

Kontra-siklistang patakaran sa Makati, binatikos
February 13, 2023

Sama-samang nagbisikleta bilang protesta ang mga siklista sa Makati Avenue, Makati City kahapon para tuligsain ang pagtatanggal sa mga bike lane na tinawag nilang anti-siklista. Iginiit nila ang isang panlahat at protektadong sistemang bike lane. Nakiisa ang ilampung siklista at mga tagapagtaguyod ng ligtas na transportasyon sa naturang pagkilos. Binaybay ng mga nagprotesta ang kahabaan […]

Mga sangsyon ng US sa Syria, ipinatatanggal sa harap ng pinsala ng lindol
February 13, 2023

Umabot na 33,000 ang kumpirmadong nasawi sa lindol na yumanig sa hangganan ng Turkey at Syria noong Pebrero 6. Sa taya ng United Nations, maaaring umabot pa sa doble o higit pa ang kabuuang nasawi sa lindol na nasukat na may lakas na 7.8 magnitude. Ayon sa upisyal na mga ulat, 24,617 ka tao na […]

Konsultant ng NDFP, sibilyan, dinukot ng militar noong Pebrero 6
February 12, 2023

Dalawang kaso ng pagdukot o desaparesidos ang naitala noong Pebrero 6. Naiulat na dinukot ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Ariel Badiang sa Bukidnon at ang sibilyan na si G. Elyong sa Oriental Mindoro. Parehong hindi pa sila inililitaw […]

Sundalo, naghuramentado sa loob ng kampo; 5 patay
February 12, 2023

Limang sundalo ang napatay sa loob mismo ng hedkwarters ng 4th ID sa Camp Evangelista, Barangay Patag, Cagayan de Oro City kahapon, Pebrero 11, ala-1:10 ng madaling araw nang mag-amok ang isang sundalo. Kinilala ang mga napatay na sina Sgt. Rogelio Rojo Jr (29), Cpl. Bernard A. Rodrigo (31), Pvt. Joseph A. Tamayo (38) at […]