Archive of AB Dailies

World Food Day pero maraming walang makain
October 18, 2021

Nagprotesta ang mga magsasaka sa pangunguna ng Amihan National Federation of Peasant Women, Pamalakaya at Bantay Bigas noong Oktubre 16 sa harap ng Mega Q-Mart sa Quezon City bilang paggunita sa World Food Day na kanilang binansagang World Hunger Day (Araw ng Kagutuman). Ang naturang pagkilos ay bahagi ng “World Hunger Day Global Action,” isang […]

Pagbagsak ng “pag-iral ng batas” sa Pilipinas, ikinababahala ng mga abugado
October 17, 2021

Tinawag ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na “nakababahala at nakahihiya” ang pagbagsak ng “rule of law” o pag-iral ng batas sa Pilipinas. Alinsunod ito sa inilabas na listahan noong Oktubre 14 ng World Justice Project, isang grupong nagtatasa sa pag-iral ng batas sa 139 bansa o hurisdiksyon. Sa listahan ng grupo, nasa ika-102 […]

Kalsadang pang-mina, pinigilan ng BHB, 8 armas nasamsam
October 16, 2021

Nireyd ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang detatsment ng mga sundalong nagsisilbing gwardya sa pagtatayo ng kalsadang pangminahan sa Barangay Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte noong umaga ng Setyembre 28. Ayon sa ulat ng Lingkawas, walong armas ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma sa mga sundalo ng 29th IB. Ang 29th IB […]

Mga inendorsong senador ni Leni, di kasali si Neri
October 16, 2021

Hindi napabilang si Neri Colmenares, isa sa nangungunang kandidato ng 1Sambayan sa pagkasenador, sa hanay ng mga kandidatong dadalhin ng tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan. Isinapubliko ang listahan noong Oktubre 15, isang linggo matapos maghain ng kandidatura pagkapresidente si Robredo. Ang hakbang ay nakita ng marami bilang “snub” o pagsasaisantabi ni Robredo sa koalisyong Makabayan na […]

Kilusang kontra-casino sa Boracay, lumalawak
October 16, 2021

Lumalawak ang hanay ng mga kumokontra sa planong simulang operasyon ng mga casino sa isla ng Boracay at sa panukalang batas na Boracay Island Development Authority (BIDA). Nadagdagan ng mga boses ang protesta ng mamamayang Aklanon, na nagsimula noon pang maagang bahagi ng Agosto, nang magpalabas ng liham pastoral ang mga lider ng simbahang Katoliko […]

Mga magsasakang dinukot ng AFP sa Negros, di pa nakikita
October 15, 2021

Nanawagan ang mga kapamilya ng mga magsasaka sa Negros na dinukot ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilitaw na ang kanilang mga kaanak. Ang panawagang ito ay inihayag ng mga kamag-anak nila Hector Maquiling at Ernesto Baynes na kapwa dinukot ng mga sundalo ng 79th IB noong Setyembre 30 sa Barangay San Pablo, […]

Lupa ng mga magsasaka sa Cebu, 30 taong hinintay
October 15, 2021

Matapos ang higit 30 taong pakikibaka para igiit ang kanilanng karapatan sa lupa, nakamit rin ng 60 magsasaka sa Cebu ang kanilang titulo sa lupa. Ang mga magsasaka ay kasapi ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Cadulawan Vito Camarin (NAMACAVIC) sa Minglanilla, Cebu. Ibinigay ang kani-kanilang mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) noong Oktubre 14. Katuwang […]

Pilipinas, #1 mangungutang sa World Bank
October 15, 2021

Nangunguna ang Pilipinas sa pinakamalaking mangungutang sa World Bank nitong taon. Umabot na sa $3.07 bilyon o ₱153.5 bilyon ang inutang ng rehimeng Duterte mula sa institusyon sa ngalan ng paglaban sa pandemyang Covid-19. Halos doble ang itinaas nito mula sa $1.87 bilyon noong 2020. Sa kabuuan mayroon nang $6.21 bilyon na utang ang bansa […]

Subsidyo para sa 13th month pay, hiningi ng mga manggagawa
October 14, 2021

Nananawan ang Kilusang Mayo Uno na gawin nang subsidyo imbes na pautang ang pondo na planong ibigay ng Department of Labor and Employment sa naluluging maliliit na negosyo para tiyakin ang 13th month pay ng mga manggagawa. Inalok ng DOLE ang pautang matapos magbanta si Jose Concepcion III, Presidential Adviser on Enterpreneurship, na “mapipilitan” ang […]

Olalia-Alay-ay Murder Case: Utak ng krimen ang dapat parusahan—PKP
October 14, 2021

Binati ng Partido Komunista ng Pilipinas ang naging hatol ng korte noong Lunes laban sa tatlong sundalong imbwelto sa kasong Olalia-Alay-ay noong 1986, subalit sinabing labis itong naantala at bigong idiin ang tunay na mga utak sa krimen. Hinatulan ng Antipolo Regional Trial Court Branch 97 nitong Oktubre 12 ang tatlong kasapi ng Reform the […]