Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Nagtipun-tipon sa isang kilos-protesta ang mga estudyante ng University of San Carlos (USC) sa harap ng kampus nito sa downtown sa Cebu City noong Agosto 21, unang araw ng klase sa pamantasan. Ipinahayag nila ang pagtutol sa napipintong 6.9% pagtataas ng matrikula, pagtutol sa mapanupil na dress code, pagtatanggal ng badyet sa pahayagang pangkampus, at […]
Binulabog ng protesta ang pagtitipon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Seattle, US noong Agosto 20, kasabay ng isinagawang porum hinggil sa kalagayan ng kababaihan at ekonomya sa mundo. Sa pangunguna ng protesta ng International Women’s Alliance (IWA), naantala ng protesta ang panapos na talumpati sa naturang porum ng APEC. Ayon sa IWA, sa […]
Nagprotesta sa baybayin sa Navotas City noong Agosto 19 ang mga mangingisdang kasapi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) at mga grupong nagtatanggol sa kalikasan para ipanawagan ang kagyat na pagpapahinto sa mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay. Anang mga grupo, palabas lamang ang sinabi ng rehimeng Marcos Jr na pinahihinto ang […]
Nagtipun-tipon ang mga demokratikong organisasyong masa sa Fountain of Justice sa Bacolod City noong Agosto 17 para muling ipanawagan ang hustisya sa ika-3 taong anibersaryo ng pagpatay ng mga pwersa ng estado kay Zara Alvarez. Pinaslang si Alvarez noong Agosto 17, 2020 habang pauwi sa kanyang tinutuluyang bahay. Sa pangunguna ng Human Rights Advocates Negros […]
Dagdag pabigat sa mga bumabyahe sa loob o palabas ng bansa ang ipapataw na fuel surcharge rate sa darating na Setyembre. Pinahintulutan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ng Pilipinas ang mga airline na taasan ang kanilang sisingilin na fuel surcharge rate sa Setyembre sa harap ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa nagdaang […]
Umalma ang mga guro sa DepEd Order No. 21, Series of 2023, isang arbitraryong kautusang ng Department of Education (DepEd) para basta-bastang alisin ang mga nakapaskil na materyal sa loob ng mga klasrum. Ayon sa mga guro, sila ang gumastos para sa mga ito at ginagamit sa pagkatuto ng mga estudyante, kaya hindi sila papayag […]
Pinasubalian ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros ang sinasabing pagsuko ng isang mandirigma nito sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) kamakailan. Sa pahayag noong Agosto 17, inilinaw ni Ka Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng yunit ng BHB, na ang 37-anyos na si Rene Potane Janayan na sinasabing sumuko ay hindi kasapi ng BHB. Si Janayan, […]
Hinarang ng mga pulis ang mga lider-estudyante mula sa iba’t ibang kampus ng University of the Philippines (UP) na delegado sa ika-55 General Assembly of Student Councils (GASC) na ginaganap sa Davao City ngayong taon. Nakatakda silang maglunsad ng kilos protesta sa Freedom Park sa syudad noong Agosto 16 nang harangin at gipitin sila ng […]
Inaresto noong Agosto 7 ang magsasakang si Romeo Balsimo sa Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental sa paratang na sangkot siya sa isang armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros noong 2020. Si Balsimo ay mahigit 60 taong gulang na. Kasapi siya ng Farmers’ Association of Barangay Carabalan-Cunalom Chapter (FABCA-Cunalom). Pinalalabas […]
Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na pistola mula sa ahente ng militar na si Pen-pen Fajardo sa Sityo Mora, Barangay Pinukawan, Vallehermoso, Negros Oriental noong Agosto 13. Lantaran ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ni Fajardo sa mga sundalo. Kilala siya sa pagiging abusado at panggigipit sa mga residente. May […]