Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Aerial bombing sa Bastar sa India, binatikos
April 14, 2023

Kinundena ng mga Adivasi (mga katutubong mamamayan) sa distrito ng Bastar sa estado ng Chhattisgarh, India ang panibagong serye ng aerial bombing sa kanilang mga komunidad noong Abril 7. Ayon sa mga ulat ng midya, binomba ang mga komunidad ng Jabbagatta, Meenagatta, Kavargatta at Bhattiguda. Hinihinalang gumamit ang estado ng India ng mga drone para […]

US-PH Balikatan Exercises, sinalubong ng mga protesta
April 14, 2023

Kabi-kabilang protesta ang inilunsad ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa unang mga araw ng ika-38 US-PH Balikatan Exercises para batikusin ang paglapastangan nito sa soberanya ng Pilipinas. Ayon pa sa mga grupo, inuupatan para sa gera ng ehersisyong militar na ito ang karibal na imperyalistang bayan ng US, ang China. Tatagal ang naturang ehersisyong militar mula […]

Pagbabawal mangisda sa Zambales dahil sa Balikatan 2023, tinuligsa
April 14, 2023

Binatikos ng mga mangingisda at ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) noong Abril 11 ang patakaran ng gubyerno na “no-sail zone” o pagbabawal mangisda sa hindi bababa sa limang bayan ng Zambales para magbigay daan sa 18-araw na ehersisyong Balikatan sa pagitan ng mga sundalo ng US at Pilipinas. Tatagal ang patakaran […]

Mga armadong opensiba sa India sa nakaraang 5 taon
April 14, 2023

Nagtasa kamakailan ang Central Military Commission (CMC) ng Communist Party of India-Maoist kaugnay sa mga opensiba ng hukbang bayan sa India laban sa Oplan Samadhan, ang kampanyang panunupil ng reaksyunaryong estadong Indian. Ayon sa CMC, nakapaglunsad ang People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), ang armadong hukbo ng CPI-Maoist ng 1,300 taktikla na opensiba sa nakaraang limang […]

Mga nars, nagmartsa para sa ₱50,000 sweldo
April 14, 2023

Nagmartsa ang mga nars na kasapi ng Filipino Nurses United (FNU) sa Taft Avenue sa City of Manila tungong Philippine General Hospital noong Abril 12 para ipanawagan ang pagtaas ng entry salary ng mga nars sa pampubliko at pribadong ospital tungong ₱50,000. Lumahok sa protesta ang mga nars mula sa iba’t ibang tsapter ng FNU […]

Pwersang Lumad Bagani Force, ipinakat ng AFP sa Talaingod
April 14, 2023

Isang taon matapos ang “deklarasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “insurgency-free” sa Talaingod, Davao del Norte, ipinakat nito ang 1,200 Bagani Force para umano magsilbing “tagapagpanatili ng kapayapaan” sa bayan. Pinasinayaan ng 56th IB ang panunumpa ng mga ito sa Barangay Santo Niño sa Talaingod, Davao Del Norte noong Abril 5. Ang […]

Kabataan, nagprotesta sa embahada ng US kontra Balikatan 2023
April 11, 2023

Sumugod at nagprotesta ang mga kabataan kaninang umaga sa embahada ng US sa Roxas Boulevard sa lunsod ng Maynila para kundenahin ang Balikatan 2023 na sinimulan ngayong araw. Pinamunuan ang pagkilos ng League of Filipino Students (LFS). Ang Balikatan 2023 ay ehersisyong militar sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na gaganapin sa iba’t […]

China, nagbabala laban sa tuluy-tuloy na panunulsol ng US ng gera
April 09, 2023

Lalong uminit ang giriaang US-China dulot ng tuluy-tuloy na panghihimasok ng US sa usapin ng Taiwan. Pinakahuling mapanulsol na hakbang ng US ang pakikipagkita sa California ni US House Speaker Kevin McCarthy sa pinuno ng Taiwan na Tsai Ing-wen noong Biyernes. Inilarawan ng gubyernong US ang pagtungo ni Tsai sa US bilang pribadong pagbisita. Gayunman, […]

"Profiling" ng mga pulis sa isang abugado sa Mindanao, binatikos
April 07, 2023

Kinundena ng mga abugado sa Mindanao at ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang atas ng direktor ng Surigao del Sur Provincial Police Office noong Marso 29 na i-profile ang isang pampublikong abugado na binansagan nitong “paulit-ulit na nagbibigay ng tulong sa mga hinihinalang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan.” Giit ng NUPL, ang atas ay […]

Bantang aerial bombing ng 80th IB sa Rizal, kinundena
April 07, 2023

Kinundenda ng Karapatan-Rizal ang bantang aerial bombing ng 80th IB sa Sityo Lubog, Barangay Mascap, Montalban, Rizal noong Abril 6 ng hapon. Ayon sa grupo, iniulat ng mga residente ang sapilitang pagpapalikas sa kanila at pagbabanta na “walang makakapasok o makakalabas sa kanilang lugar” dahil sa planong aerial bombing. Simula pa Marso 31 ay naglulunsad […]